5th chapter

1057 Words
Some people say I'm too naive, too innocent, and too easy to be used and deceived. Matalino lang daw ako sa klase pero pagdating sa buhay, masyado raw akong mangmang at inosente. Halos memoryado ko ang mga lessons na nababasa ko sa libro ng school, pero ang mga aral sa labas, kulang na kulang ako sa kaalaman. Ang mga tulad ko raw ang tipong madaling utuin at abusuhin. Madaling paglaruan at saktan. I guess they're right. "Magkasilbi ka naman, Solemn! Wala ka nang ibang ambag sa lipunan kundi yang ganda at talino mo lang sa eskwela. Dumiskarte ka, potang ina! Sa mundong ginagalawan natin, pera lang ang mahalaga, hindi dangal maging praktikal ka. Tulungan mo ang itay mo sa kaniyang utang! Gamitin mo yang ganda mo para mabayaran natin ang kaniyang utang!" Nanatili akong nakayuko sa kama hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto ng silid. Naiwang tahimik ang loob. Alam ko ang ibig sabihin ni tita. Pero ayokong matulad sa kaniya. Ayokong mapariwara. Ayokong magbenta ng laman. Ayokong gamitin niya para lang mabayaran ang kaniyang utang dahil sa pagkakalulong niya sa sugal! Gusto ko nang umuwi. Payak lang ang pamumuhay namin doon sa probinsya namin sa Bicol, pero ni minsan ay hindi ako nakakaramdam ng takot gaya nito. My sister, Analyn was always there to protect me. I felt so safe... Unlike here. Simula no'ng sumama ako rito kay itay sa Manila para mag-aral sa pangarap kong eskwelahan, pakiramdam ko ay lagi nang may nakabuntot sa aking kapahamakan. Ayoko na rito. Lagi na lang akong ipinapahamak ng madrasta ko. Kung hindi ako dinala ni tita Selestina sa club at pinainom ng alak, hindi ko sana maisuko ang sarili sa isang lalaking hindi ko kilala. Nakahiga ako sa kama habang lumuluha. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa kakaisip ng mga maling nagawa ko, lalo na yung kagabi. Mabuti na lang talaga at madilim, hindi malinaw ang mukha ng lalaki. Sana hindi niya rin ako matandaan. Patulog na ako nang marinig kong bumukas ang gate. May kung anong pwersa ang nagtulak sa akin para bumangon at silipin sa bintana kung sino ang lumabas o pumasok sa gate namin. Nakita ko ang naka-park na itim na van sa labas at ang limang lalaki sa gate na kausap ni itay. Akala ko noong una ay mga bisita niya. Siya pa kasi mismo ang nagbukas ng gate para sa mga ito. Pero mayamaya lang ay bigla na lamang kinuyog si itay saka siya kinaladkad ng mga ito papasok sa aming bahay. Napahawak ako sa dibdib sa biglang pagdaloy ng kaba. Sinu-sino ang mga lalaking iyon? Sila ba ang sinasabi ni tita? Mga tauhan ba iyon ni Mr. Li? Nanlamig ang mga kamay ko at nanginig. Sa isip ko ay paulit-ulit na umalingawngaw ang sinabi ni tita kanina. "Kapag may nangyaring masama sa atin ngayong gabi, kasalanan mo iyon!" Napatakip ako sa bibig. Ayokong may mangyaring masama kay itay nang dahil sa akin! Dali-dali akong bumaba at nanigas sa naabutan ko sa sala. Si itay... binubogbog na ng tatlong lalaki, habang si tita ay nakabaluktot na sa sahig at sa ulo nito ay may nakatutok na baril. "Macario, paulit-ulit na kitang binibigyan ng palugit pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin nakakabayad. Pinagloloko mo na lang ako!" "Mr. Corpuz, totoo ang sinasabi—" Hindi natapos ang sasabihin ni itay nang pagtulungan na naman siya ng mga tauhan ng tinawag na Corpuz. Kung ganon, bukod kay Mr. Li, may iba pang gustong manakit sa amin? Sobrang natakot ako pero huli na para bumalik sa loob ng kwarto dahil nakita na ako ng mga ito. "Maganda pala ang anak mo, Macario," nakangising sabi ni Mr. Corpuz na may malagkit na tingin sa akin. Kinalibutan kaagad ako. Takot na takot ako sa maaring gawin ng mga ito sa amin. "Hija, halika," sabi ni Mr. Corpuz na naninigarilyo na ngayon. Hindi kaagad ako kumilos, nanigas kasi ang mga tuhod ko kaya naman sininyasan nito ang dalawang tauhan para kaladkarin ako pababa saka ako pinaluhod sa harap nito at itinali. Walang nagawa ang pagpumiglas ko laban sa dalawang lalaking may hawak sa akin. Pagkatapos nila akong itali ay tinulâk nila ako palapit sa kanilang leader. Bumagsak ako sa mga paa nito. "Mr. Corpuz, huwag niyong idamay ang anak ko!" pagsusumamo ni itay. Gumapang siya kahit na hirap na hirap para abutin ang sapatos ng leader. "K-kapag pinatay niyo ako at ang anak ko, hindi niyo na makukuha ang pera ninyo." Sinapak siya matapos niyang sabihin iyon. Sumubsob ang mukha niya, hindi niya magawang ituko ang mga kamay dahil parehong nakatali ang mga ito sa kanyang likuran. Habang ako ay patuloy ang pag-iyak at pagmamakaawa sa mga ito na tumigil na. My hands and feet were tied too tight. Hindi ako makagalaw para saklolohan si itay. Habang nakaluhod ako patalikod sa leader at nakaharap kay itay ay panay naman ang iyak ko. Hindi ako sinaktan pero daig ko pa ang binalatan, lalo na ngayong panay na ang himas ni Mr. Corpuz sa aking braso. Nanginig ang kalamnan ko, nangilabot at nandiri. "Makinis ka," paanas na sabi nito habang ang palad ay humahaplos sa nakalantad kong braso, pataas-baba. "Sige, kunin niyo iyan!" biglang sigaw ni tita na ikinakabog ng dibdib ko. "Iyan na lang ang pambayad namin. Hindi ka magsisisi riyan dahil virgin pa iyan! Siguradong masasarapan ka dahil bukod sa maganda ay makinis din, hindi ba?" "Selestina!" saway ni itay. Napahikbi na ako sa takot. Dahil kasi sa sinabi ni tita ay lalong humigpit at dumiin ang paghawak ng lalaki sa braso ko. "Virgin?" Tumawa ito nang malakas. "Gusto ko ang virgin, masikip na masikip." "Mr. Corpuz!" sigaw ni itay pero tinadyakan lang siya sa mukha ng isa sa nambugbog sa kaniya. "Mukha ngang masarap ka, hija. Mabango at sariwa," bulong nito sa aking tainga habang hinihimas na ngayon ang aking dibdib. Kumuyom ang palad ko habang nanginginig ang mga labi. Gusto kong magmakaawa pero hindi ako makapagsalita sa labis na takot. "Malaki ang pagkakautang ng iyong ama sa akin," sabi nito na patuloy sa ginagawa. "Alam mo kung bakit? Dahil lulong sa sugal sa casino ang madrasta mo. Nagbigay ako ng palugit... mga tatlong buwan na umabot ng apat. Hanggang ngayon ay wala pa ring bayad. Palaki na nang palaki ang interes. Siguro naman, kaya mo iyong bayaran gamit ang... Katawan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD