Knight was just staring at me. Kalmado lang, walang anumang takot sa mukha.
"Hindi ka ba takot na baka mahuli tayo?" tanong ko sa kaniya. Tinaasan lang din niya ako ng kilay.
Sa inis ko ay tinalikuran ko siya at nagmadaling tinungo ang pinto ng silid bago pa man iyon buksan ni Mrs. Rojas. Kaagad kong iniharang ang sarili sa nakaawang na pinto at pinipigilan ang tuluyang pagbukas nito nang malawak.
"Mom!" ngiti kong pilit na tinatago ang kaba.
Sa likod ni Mrs. Rojas ay nakatayo si Mr. Rojas na kaagad na umiwas ng tingin nang makitang nakatapis lang ako ng towel.
"Hala, pasensya na, anak! Hindi namin alam na nagbibihis ka pala. Hindi ka kasi tumutugon," paliwanag ni Mrs. Rojas sabay harang ng kaniyang katawan sa harap ng kaniyang asawa.
"Ahm, k-katatapos ko lang pong mag-shower."
"Ganon ba, sige. Magbihis ka muna. Bukas na lang natin pag-uusapan ang tungkol sa pagbisita natin sa tita Dim mo. Sige na, magbihis ka na. Tsaka mag-beauty rest. Matutulog na rin kami ng dad mo."
"Okay po."
Tinulak niya palayo ang asawa. Narinig ko pang tumitili siya na parang kinikilig. "Kyaaaah! Dalaga na talaga ang anak natin, Marky! Ang ganda pa. Tengene naiiyak ako. Siguradong hindi makakaayaw sa kaniya si Adrian. Waaah! Hindi na ako makapaghintay na matupad ang pangarap kong maging isang pamilya tayo nina Dim!"
"Mahal naririnig ka ng anak natin."
Bago pa man lumingon si Mrs. Rojas sa gawi ko ay naisara ko na ang pinto.
Napabuntong hininga ako. Noong dumating ako sa buhay nila, ang unang ginawa ni Mrs. Rojas ay ipinakilala ako sa pamilyang Nagamori. She introduces me to Adrian na
Nagamori, ang panganay na anak na lalaki. Nireto niya ako rito, pinagkasundo na ipakasal.
I've heard a lot about him. He's popular, pero iilan lang ang nakakakita sa kanya sa personal. I considered myself lucky dahil nakita ko siya nang personal, nakilala at nahawakan ang kamay. But Adrian seems uninterested. So the rumors are true, wala siyang pakialam sa kahit na sinong nasa paligid niya. Mas gusto niya ang mapag-isa.
Girls from our campus are all over him. Sino ba ang hindi nangangarap ng gising sa lalaking kagaya niya. Bukod sa gwapo at matikas, nagmula pa sa isa sa pinakamayaman at maimpluwensyang pamilya. I heard isa na siyang abogado at doctor at usap-usapan na mag-aaral siya ulit ng isa pang kurso sa eskwelahan na pag-aari ng pamilya nila, ang Don Roman international colleges kung saan ako nag-aaral.
I admired him so much, pero hindi ako sabik na ikasal sa kaniya. I don't feel any spark from him, gaya ng nararamdaman ko... Kay Knight.
Napakurap ako nang maalala si Knight. Nang mapatingin ako sa kama ay wala na siya doon. Teka, saan siya dumaan? Napatingin ako sa nakasarang bintana, iniisip ko na lang na baka doon siya dumaan. Pero kailangan niya ba talagang tumalon doon? Nasa 3rd floor kami!
Kinaumagahan ay hindi ko nakita si Knight. Wala rin ang mag-asawa. Nitong nagdaang mga araw ay madalas na wala sa bahay ang mga Rojas.
It's weekend, pero may tatlong subject akong kailangang attend-an mamayang tanghali. Habang walang magawa ay inubos ko muna ang dalawang oras na natira sa pagbabasa. Kailangan kong pag-igihan ang pag-aaral para lalong bumilib sa akin ang mag-asawa.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang mag-ring ang phone ko. Bagong phone at bagong numero. Walang ibang naka-save na contact dito kundi numero lang ng mag-asawa, ng driver at ang naka-anonymous na si Ishmael.
"Hello?" sagot ko.
"Kumusta?" isang malalim na boses ang sumagot sa kabilang linya.
"Paniwalang-paniwala sila. Lahat maliban sa isa..."
"The son."
"Oo. Dumating siya kahapon."
"Tell me, what did he do... to you?"
Napalunok ako. Kailangan ko bang sabihin sa kaniya ang ginawa nito sa akin? Pero irrelevant na masyado iyon. Isa pa, nakakahiya.
"Ahm..."
"Alright, hindi mo na kailangang sabihin. Mag-ingat ka lang palagi, at kahit na anong mangyari, huwag kang aamin. Nasa likod mo lang ako palagi. Kahit anong gawin nila, mananatiling positibo ang resulta ng lahat ng test."
"Okay."
"Huwag ka na ring mag-alala sa anak ng mga Rojas, ako na ang bahala sa kaniya."
"A-anong gagawin mo sa kaniya?"
"Lilituhin siya."
Pagkatapos ng tawag ay napabuntong-hininga ako. I don't wanna do this. Sobrang bait ng mag-asawang Rojas. Mabubuti silang tao at hindi nila deserve na lokohin. But I have no choice. Kung hindi ko 'to gagawin ay ititigil ni Ishmael ang pagpoprotekta sa pamilya ko lalo na kay daddy. Higit sa lahat, sa akin. Kapag binigo ko siya hindi ko makukuha ang perang inialok niya at hahayaan din niya ako sa mga kamay ni tita Selestina. No, ayoko nang maulit ang ginawa ng madrasta ko sa akin na kung kani-kanino na lang niya inebebenta. Kaya kahit pinapatay na ako ng aking konsensya ay itutuloy ko pa rin ito, para sa kaligtasan ko at ng pamilya ko.
Ang bilis ng takbo ng oras. Kaagad akong naghanda para sa pagpasok sa eskwela. Pagbaba ko ay naabutan ko sa sala si Mrs. Rojas. Tahimik siyang nakaupo sa sofa habang abala ang mga mata sa pagpili ng brochure ng jewelries.
"Hi, mom!" nakangiti kong bati.
Lumingon sya at kaagad na tumayo para salubungin ako ng yakap. "Hi, baby! Papasok ka na?"
"Yes po."
"Hintayin mo na lang saglit si Adrian. Siya daw ang susundo sa iyo."
Napaawang ang bibig ko. Si Adrian? Imposible. May kutob akong pinilit niya lang ito.
"Halika, anak. Upo ka muna. Namimili ako ng alahas na babagay sa iyo." Hinila niya ako papunta sa pinwestuhan niya. "Maghintay ka muna, papunta na raw si Adrian."
"Why bother other people when I can drive my sibling myself?"
Sabay kaming napalingon sa likod namin. Mula sa main door ay nakita namin ang papasok na matangkad na lalaki. Nakapamulsa ito sa malutong na pantalon habang ang isang kamay ay hawak-hawak ang isang phone. He was wearing a long-sleeve knitted polo tucked into his trousers. His thick hair was a bit messy, making him look dangerously hot without trying. God, he's so perfect. It shouldn’t be legal to look that good by accident. But he did. From every angle. In every outfit.
"Lander! Kanina ka pa ba nakauwi?"
"Kararating lang, mom," lumapit ito at yumuko para i-beso ang ina. Pagkatapos ay bumaling sa akin. "Hi, little sis."
Kaagad akong nag-iwas ng tingin pero gano'n na lang ang panlaki ng mga mata ko nang dampian niya ako ng halik sa pisngi. Nag-init ang buong mukha ko sa ginawa niya.
"Akala ko busy ka, anak."
"I'm free today so I'm handling Leona's ride."
"Ahh... Pero papunta na si Adrian—" napanganga na lamang si Mrs. Rojas nang bigla akong hilahin sa kamay ni Knight.
Halos masubsob na ako sa pagkaladkad niya.
"Kuya!" sigaw ko habang pilit na sinasabayan ang kaniyang mga hakbang.
Pagdating sa sasakyan ay patulak niya akong isinakay at diretsong ikinabit ang seatbelt. Pagkatapos ay yumuko siya, inilapit niya ang mukha sa akin na halos magbundulan na ang dulo ng mga ilong namin.
"Simula ngayon, ako na ang maghahatid-sundo sa iyo. Naiintindihan mo?"
"You sound possesive and obsessed, kuya Knight," sarkastiko kong sagot.
Ngumiti lang siya at isinara ang pinto ng passenger's seat. Pagkasakay niya ay nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang batok ko at walang paalam na inangkin ang mga labi ko.
Mapusok ang kaniyang halik, mapagparusa pero hindi nawawala ang init at tamis. Ilang segundo pa bago niya ako pinakawalan. Kinagat niya pa ang ibabang labi ko at dinilaan bago siya lumayo saka niya ako nginitian.
"I am... I am obsessed with you, Solemn Quiamco."