PURO TAWANAN at kulitan lang kami hanggang sa makapasok na kami sa isang kilalang restaurant na malapit din lang sa St. Lukes kung saan kami nanggaling. At um-order din kami agad nang may lumapit na sa aming waiter. "Oy, sis, ano na nga pa lang balita sa first love mo? Alam na ba niya ngayon na first love mo siya?" nakangiti at may halong panunuksong tanung ni Joan. Ngumiti lang ako ng tipid,dahil naalala ko na naman ang gabing may nangyari sa amin ni Victor. Two weeks ago. "Hindi mo pa pala talaga nalilimutan 'yan!? Grabe ka Joan, ha... tagal na nga nating 'di nagkita, eh," sagot ko naman, saka ako bahagyang ngumiti. Hindi na rin nagtagal at dumating na rin ang aming mga in-order. Kuwentuhan lang kami ng kuwentuhan, pati ang tungkol sa amin ni Victor ay naikuwento ko na rin kay Joan.

