"Ah, ikaw pala ang assistant director?" Napalingon ako sa matandang babae na nagtanong no'n. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Nandito kami ngayon sa sala at kasalukuyang kumakain ng meryendang binigay ni Nanay Ysa (Nagpakilala siya kanina tapos 'yong asawa naman niya na kausap ni Nathan ay si Tatay Bon). Mukhang nakausap na nga sila ni Nathan kasi parang hindi na bago sa kanila ang pagdating naman. Alam siguro nila na darating kami ngayon. "Ah, opo," sagot ko at ngumiti. Nilingon ko sina Demi na tahimik lamang habang kumakain ng bibingka at cassava cake. "Tapos sila naman po, kasama namin sa Production Team," dagdag ko. "Siya po si Demi, screenwriter," pagpapakilala ko kay Demi na nag-hello kay Nanay Ysa. "Ito naman po sina Adrian at Shawn, cinematographers namin para sa p

