Pagod akong bumalik sa hotel room namin nila Demi. Pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama at tinitigan ang ceiling. Hindi ko namalayan ang paglabas ni Cossie mula sa CR ng kwarto dahil sa lalim ng iniisip ko, kaya naman muli niya akong tinawag. "Ha?" wala sa sariling sabi ko. "Tinanong ko kung kararating mo lang ba," pag-uulit ni Cossie. Pinanood ko siyang alisin ang tuwalya na nakabalot sa ulo niya bago siya humarap sa isang salamin hawak ang hair dryer. "Ah, oo," tanging sagot ko. Hindi naman siya sumagot. Napabuntong-hininga na lang ako. Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina. Gusto kong sampalin ang sarili nang maisip kong halikan si Nathan kanina. Napailing-iling ako. I'm really getting scared of myself now. Umusog ako sa gilid nang lumapit sa akin si Cossie at

