Chapter 70

2412 Words

Matapos ang pag-uusap namin ni Nathan ay umuwi na rin siya sa condo. Nag-insist siya na ihatid ako sa bahay pero tumanggi ako at sinabing sa bus stop na lang dahil may dadaanan pa ako. Kahit na gusto niyang umangal ay wala na siyang nagawa pa. Sumakay ako ng bus pauwi ng bahay. Bumaba ako sa isang street kung saan merong phone booth, malapit sa sunod na bus stop. Walang masiyadong tao sa street na iyon at may iilan lang na mga dumadaan. Lumapit ako sa phone booth bago inilabas ang cellphone ko. Ayokong tumawag gamit ang cellphone ko. Gusto ko munang subukan kung may sasagot pa rin ba sa numerong iyon dahil kung wala na, siguro ay kakalimutan ko na lang na nalaman ko ang bagay na ito. Kakayanin ko namang umarte na parang wala lang ang lahat ng ito at mamuhay tulad ng nakasanayan ko,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD