Tahimik lang kaming nakaupo sa tabing dagat at pinapanood ang mapayapang kapaligiran. Madilim na ang paligid at patay na rin ang bonfire kanina. Tanging ang magagarang ilaw na lang ng hotel at ang nakapaligid dito ang nagbibigay liwanag sa buong kapaligiran. Wala na rin ang mga kasama namin dahil mukhang nagpapahinga na sila sa kaniya-kaniyang hotel room, including Sir Arbie, Shawn, Miss Darcy at Demi. Tanging kami na lang ang naiwan dito sa labas. “Gusto ko lang malaman. Bakit ikaw ang nag-asikaso nitong team building?” tanong ko sa gitna ng katahimikan habang parehas kaming nakatingin sa mapayapang karagatan at sa mga bituin sa langit. Nilingon niya naman ako. “Gusto mong malaman ang totoong dahilan?” tanong niya kaya tumango ako. “This is not planned. In fact, days ago lang naming

