Bahagya akong napalingon sa pwesto ni Ate Pat na matamang nakatitig sa akin bago pasimpleng napakamot na lamang sa batok. Nandito kami ngayon sa kwarto at nagpapahinga. Ang mga bata naman ay natutulog din sa kani-kanilang kwarto dahil hapon na at siesta. Dapat pala nagtambay na lang ako sa la— "Sabihin mo nga, nililigawan ka ba ni Darren?" diretsahang tanong ni Ate Pat. Hindi naman ako sumagot at lumipat ang tingin ko kay Kuya Jazz na kunwaring nag-ce-cellphone pero halata namang nakikinig. Wala rin si Darren dito at hindi ko alam kung saan na napunta ang loko. Natakot na yatang umakyat dito sa room. "Hindi nga, Ate Pat. Apat na beses mo na yatang tinanong 'yon at apat na beses ko na ring sinagot." "Sigurado ka?" paninigurado niya na hindi naniniwala ang tono ng boses. "Parang may

