"Ascella, anak, gumising ka na riyan!" dinig kong boses ni Mama. Tatlong beses pa siyang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napatalukbong ako ng kumot bago patayin ang tumutunog ko ring alarm clock. Isang beses pang nagtawag si Mama bago ko naramdaman ang papalayo niyang mga yabag mula sa kwarto ko. Pinakiramdaman ko ang paligid bago bahagyang napakunot ang noo ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napatingin sa pinto ng kwarto ko na halos hindi man lang tumunog nang kumatok si Mama. Ganoon kahina ang katok at boses niya. At hindi siya gano'n. Bawat araw na lumilipas ay marami ang nag-iiba kay Mama, hindi ko matukoy kung ano nga ba ang mga iyon, o kung bakit nagkakagano'n siya. Siguro kailangan ko na talaga siyang kausapin. Baka mamaya ay mayroon siyang problema at hindi niya l

