Matapos naming kumain ay kagaya nga ng ipinangako ko ay inilibot ko siya sa campus. Mahaba naman ang break namin kaya natapos kaming maglibot bago ang next class namin.
"Thank you for touring me around," aniya ni Marco habang nasa harap kami ng pintuan ng classroom ko.
"Welcome. Pasok na 'ko," paalam ko sabay turo sa likod kung saan ang classroom ko.
"I'll see you around." Huling sabi nya bago ako tumango at tumalikod.
Pumasok na ako sa next class ko.
NATATAPOS ang araw ko na gano'n parati ang nangyayari. Paulit-ulit na minsan ay nakakasawa na. Ilang araw ang lumipas at mas naging close kami ni Marco. Sabay kaming kumakain ng lunch ni Marco at hinahatid niya rin ako sa room ko pagkatapos. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. May pagkamadaldal pala sya at kagaya ng inilarawan ko sa kaniya no'ng una ay friendly at mabait siya. Nalaman ko rin na kaya pala siya dito nag-aral ay dahil may business sila ng parents niya rito at may kapatid din siya na babae pero nagpaiwan sa US kasama ang grandparents nila.
Kaya ngayon ay nandito kami sa hallway at naglalakad papunta sa tapat ng gate para mag-abang ng masasakyan.
"Just come with me, I'll just take you to your place," aya sa akin ni Marco. May sarili kasi itong sasakyan pero ayaw ko namang sumakay dahil ayaw kong makaabala.
"Ah hindi na, may pupuntahan pa kasi ako," tanggi ko habang pasulyap-sulyap sa relong nasa pulso ko. Mas binilisan ko ang lakad ko nang malapit na kami sa gate.
"Where?" Pilit na habol sa akin ni Marco.
"Sa part time ko. Basta, sige. Mauuna na ako, kita nalang tayo bukas. Bye!" paalam ko nang may humintong tricycle sa harap namin.
"Mars, w-wait" Pigil niya sa akin nang akmang sasakay na ako sa traysikel.
Kunot-noong nilingon ko siya. "Ano 'yon? Bilisan mo, nagmamadali ako!"
"N-nothing, take care." Kamot-ulong aniya bago ako tipid na nginitian.
"Sige, ingat din." Tango ko sabay sakay sa traysikel.
"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng drayber nang makasakay ako.
"Sa Westonian Restaurant po, manong," wika ko bago pinaandar ni manong ang sasakyan.
Habang nasa biyahe ay nagsalita si Manong.
"Ka-mare mo iyong lalaki, Miss?"
Kumunot ang noo ko. Sinong tinutukoy nito? "Po?"
"Iyong lalaki kanina. Mare mo 'yon?" Malakas ang boses na sabi niya.
Mas lalong lumalim ang gitla ng noo ko. Mare? Ibig sabihin 'kaibigan'? "Opo, bakit po?"
"Sayang. Kay guwapong bata pa naman at mukhang may ibang lahi rin. Sayang ang lahi no'n."
Napailing ako sa pagkainis. Anong tingin niya sa mga lalaki, mga aso na nagpapakalat ng lahi?
Hindi na lamang ako sumagot. Patuloy na nagsasalita ang driver na siyang hindi ko na malinaw na naririnig dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito ng tricycle. Tumatango na lamang ako at minsan ay sumasang-ayon kahit wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin kami sa destinasyon na sinabi ko.
"Salamat, manong. Ito po ang bayad " sabi ko sabay abot ng bayad sa kaniya.
Tinanggap naman niya iyon bago ngumiti. "Sige, Ineng. Ingat ka," sabi ni manong bago pinaandar ang traysikel paalis.
Pagkatapos no'n ay pumasok na ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko bilang waitress.
"Oh. Ang aga natin ngayon ah?" bati sakin ni manong guard bago ako pinagbuksan ng pinto.
Ngumiti ako sa kaniya. "Maaga lang po kasi natapos ang klase ko."
"Gano'n ba?"
Tumango ako. "Opo. Sige po, papasok na ako. Baka kasi kailangan na nila ako," ani ko.
"O siya, iha. Galingan mo."
"Opo," ang tanging tugon ko na lang at dumiretso na sa locker room namin.
"O ang aga mo 'ata ngayon ah?" sabi ng co-worker ko na si ate Ann habang abala sa pagpahid ng make-up sa mukha niya.
Hindi ko siya ka close at hindi ko rin siya bestfriend pero normal lang naman ang turingan namin bilang magkatrabaho.
"Maaga lang akong natapos sa klase at saka wala akong schedule bilang student-assistant ng librarian ngayon kaya napaaga ang punta ko rito," tugon ko.
"Ah ok. Sige, una na 'ko. Magbihis ka na rin at baka mamaya dumating na ang importanteng investor ni boss dito," aniya bago kinuha ang bag niya sa locker at lumabas na kaya dali-dali naman akong nagbihis.
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay lumabas na 'ko para simulan ang trabaho ko. Kumuha lang ako ng order ng mga customer at nag-serve ng mga pagkain. Tumulong na rin ako sa iba sa paglilinis ng table at pagma-mop ng sahig. Makalipas ang ilang sandali ay narinig namin na dumating na raw ang investor ng boss namin. Nagpatuloy lang kami sa pagtatrabaho hanggang sa tawagin ako ng kasamahan ko sa trabaho.
"Ocean, pumunta ka raw sa kusina at kunin 'yong mga pagkain at i-serve kay boss at sa investor," sabi ni Katie.
"Ha? Bakit ako?" tanong ko. Hindi naman kasi akong ang personal na nagse-serve tuwing may importanteng bisita ang boss namin.
"Busy kasi ang iba. Alam mo naman na maraming customer ngayon kaya sige na," sabi niya bago ako tinulak patungo sa kusina.
Wala akong nagawa kun'di dumiretso sa kusina para kunin ang mga pagkain at lumabas din agad dala-dala ang isang tray na may nakalatag na bowl ng special soup.
"Senyorito, teka lang! Huwag po kayong tumakbo!! Senyorito!"
"Mommy, where are you?!!!"
"Teka lang, senyorito, baka po madapa kayo!"
Naglalakad ako habang dala-dala ang pagkain na nasa tray papunta sa table ni boss at no'ng investor niya nang bigla na lang akong nakarinig ng sigawan at yapak na tumatakbo sa likod ko na sa tingin ko ay papunta sa direksyon ko. Bago pa man ako makalingon ay naramdaman ko nalang na may tumamang matigas na bagay sa likod ko hanggang sa matumba ako sa sahig at saktong nabitawan ko ang tray na hawak ko dahilan para matapon ang mga dala ko.
"Hmmp!" daing ko nang matalsikan ako ng mainit na soup.
Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Nanlalaki ang mata ko bago sinubukan na itulak ang lalaki paalis sa akin ngunit sa sobrang bigat nito ay hindi man lang ito nagalaw sa puwesto niya.
"O-ouch.. huhuhuhu y-yaya help me!! I can't stand up, yaya! Hurry up! Help me!!" sigaw ng lalaking nakadagan sa akin.
"Senyorito, ok lang po ba kayo?" Habol ang hiningang tanong ng babae na sa palagay ko ay yaya ng lalaking nakadagan sa akin.
Tangina! Ang bigat naman 'ata ng batang ito! Ano bang kinain nito at para isang sakong bigas 'ata ang nakadagan sa akin?! Halos hindi ako makahinga dahil sa mabigat na timbang na pumupwersang tumulak sa akin para mapanatili akong nakahiga sa sahig. Kung may depensiyon man ng pinagbagsakan ng langit at lupa ay ito na 'ata iyon! Hindi ko naman pinangarap na mangyari sa akin 'to. Tangina naman!
"Huhuhuhu, yaya. I t-think I'm gonna die.. bring me t-to the hospital please, I don't wanna die!" ani nung lalaki sa pagitan ng kaniyang paghikbi.
'Seriously?! Siya na nga ang nakadagan sa akin tapos kung makapag react, sobrang OA! Kumustahin niya kaya ang likod ko na napuruhan?' asik ko sa isip ko bago buong lakas na tinulak siya. Agad naman siyang napakalas sa pagkakadagan sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magmadaling bumangon mula sa pagkakahiga ko sa sahig.
"Marie, Iha, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni manong guard habang tinutulungan akong tumayo. Inalalayan niya akong umupo bago niya inabot ang tissue paper na agad ko namang tinanggap at ipinampunas sa parte ng katawan ko na natalsikan ng mainit na sabay.
"Okay lang po," nakangiwing tugon ko habang pinipilit na tumayo. "A-aray. s**t! Ang sakit!" mariing mura ko habang iniinat ang katawan ko lalo na ang parteng likod at balikat ko. Para 'atang nabali ang spinal cord ko sa lakas ng impact ng nangyari. Putcha naman oh! Mapapagastos pa 'ata ako sa hospital! Wala na nga akong pera, mapupurnada pa!
"What the hell is going on here?!!" sigaw na tanong ng pamilyar na boses ng boss ko. Dumagundong ang sigaw niya sa apat na sulok ng restaurant na pagmamay-ari niya.
Lahat ng customer, lahat ng mga tao ay nakatuon ang atensyon sa amin. Halos lahat ay natigilan sa pagkain at parang mga tanga na nanonood ng teleserye sa telebisyon.
Napaasik ako. Wow! Just wow! Naging instant artista pa nga ako. Mabuti sana kung may bayad para worth it ang sakit ng pagkakabagsak ko pero wala eh! Parang lugi pa 'ata ako dahil pati trabaho ko ay nadadamay dahil sa buwiset na pangyayaring ito! Ang malas naman 'ata ng araw ko na ito ngayon!
"S-sir-" rinig ko ang bawat mabilis na kabog ng dibdib ko kasabay ng pagbuka ng bibig ko habang nakatingin sa namumulang mukha ng Boss ko.
"What's going on- son? What are you doing here?!" Nanlalaki ang mata ng magandang babae nang dumako ito sa lalaking nakatayo sa likod ko habang inaalalayan ng yaya nito. Lumingon ako sa likod ko at ngayon ko lang napansin na halos kaedaran ko lang din pala ang lalaki. Medyo matangkad siya nang kaunti sa akin. May pagka-brown ang kulay ng buhok niya, may iilang maninipis din na hibla ng buhok niya ang tumatabing sa mukha niya. Makakapal na kilay, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, umiigting na mga panga, manipis na labi at ang kumikislap sa luha na kayumangging mga mata niya. Bakas ang kainosentehan at kalambutan sa mata niya na para bang isa siyang sanggol na kasisilang pa lamang. Hindi ko alam kung nag-iinarte ba siya o ano pero ang ingay niya ha! Hindi ba siya titigil kakangawa na parang siya ang napuruhan sa amin when in fact hindi naman siya gaanong nasaktan dahil nakadagan siya sa malambot na katawan ko!
Dali-daling naglakad ang babae papalapit anak nitong hindi matigil sa pag-iyak. Sa palagay ko ay nasa 30's pa lamang ito at ito ang kausap ni Boss kanina sa lamesa at sa tingin ko ay ito rin 'ata ang investor ni boss.
"M-Mommy huhuhu. L-let's go to the hospital. I think I'm gonna d-die, look at my arm. It's hurt huhuhu…" iyak ng lalaking nakabangga sa akin na akala mo parang bata kung maka react.
"Shh.. don't cry na, okay? We will go to the hospital so stop crying already please. Wait. What happened earlier?" tanong ng mommy no'ng lalaki habang niyayakap ang malaking damulag bago marahang hinahaplos ang likod nito para patahanin.
"Huhu m-mommy. I'm just running towards your direction when I bump to someone who's holding a tray of food and I accidentally support my arm so that I'm not gonna fall but it turned out worst! Huhuhu.. please, mommy. Hurry up! Look, it's bleeding," naiiyak na kuwento ng lalaki na kung makaasta ay akala mo bata eh na kung tutuusin mukhang mas matanda lang ako ng ilang taon sa kanya eh!
"Okay, calm down, okay?" marahang sabi niya sa anak bago bumaling sa akin. "Are you okay, iha?" nag-aalalang tanong sa akin ng ginang.
"Ayos lang po ako," nakangiwing tugon ko kahit na ang totoo ay para akong dinaganan ng sampung liyon sa sobrang pananakit ng katawan ko.
Mapanuring tiningnan naman niya ako bago bumuntong-hininga na umiling. "No, you need to go to the hospital too para matingnan kung mayroon kang bali or what. You looked in deep pain. Mas okay na na makasigurado dahil baka lumala ang sugat o bali mo kapag hindi agad naagapan. So come go with us," pagpupumilit niya.
Akmang papayag na sana ako nang biglang magsalita ang boss ko.
"Ah ma'am, kami na pong bahalang magdala sa kaniya sa hospital. Responsibilidad ko iyon bilang boss niya, nilang lahat na siguraduhing ligtas ang lahat ng empleyado ko," singit ng boss ko sa usapan namin.
Mula sa akin ay bumaling ang atensyon ng babae sa boss ko. "Are you sure?" paninigurado niya kay boss na agad namang tumango.
"Yes po. Sige po at ihahatid ko na po kayo sa labas," aniya ni boss sabay lahad ng kamay sa harap senyales na pinapauna niya ang mga ito.
"Okay. Are you sure you're okay, iha?" nag-aalalang tanong ng babae sa akin.
"Ayos lang po. Kaya na po namin 'to," nakangiting wika ko sabay tingin do'n sa maingay na lalaki na kanina lang ay umiiyak at ngayon naman ay nakakapagtakang nanahimik.
Saktong nagtama ang mata namin. Wala pa 'atang limang segundo ay dali-dali na siyang nag-iwas ng tingin habang namumula pa ang pisngi at tenga niya. Humawak siya sa laylayan ng damit ng Mommy niya bago mas dumikit dito na parang bata. Nagtago siya sa likod ng Mommy niya habang nanatiling nakaiwas ang tingin sa akin na para bang nahihiya na ewan.
Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya.
'Problema nito?' sa isip ko sabay baling sa mommy niya.
"Ma'am, we need to go now," ani ng lalaking nakaitim na sa tingin ko ay driver or bodyguard nila.
"Sige na po, mag-iingat po kayo."
"Okay. Sorry, iha. Malikot lang talaga 'yang anak ko kaya pagpasensyahan mo na," paumanhin niya.
"Ayos lang po."
Tumango siya "Sige. Mauuna na kami, iha.. Yaya, son, let's go." Baling niya sa mga ito bago sila tuluyang umalis.