"Paano tayo papasok? Ang daming guwardiyang nakabantay," sabi ko kay Nikki. Nakasilip kami sa may pader malapit sa ward kung saan naka-confine si Aeron. Apat na salitan ang guwardiyang nagbabantay sa kanila. Para bang may nagbabanta ng panaginip kung magbantay ang mga ito pero ang totoo ay ayaw lang nila na makapasok ako. Mahigpit na pinagbilinan ng Mamà ni Aeron na huwag akong papasukin. "Gagamitin natin ang kapangyarihan ng kape." "Ano?" takang tanong ko. Paano niya gagamitin ang kape para makapasok ako sa loob ng ward ni Aeron? Kumindat lang siya at may dinukot sa kanyang bulsa. Isang powder iyon na nakalagay sa maliit na supot. "Akin na iyang mga kape," utos niya sa akin. Hawak ko ang apat na tasa ng mainit na kape na in-order pa namin sa kantina kani-kanina lang. Nilagyan niya ng

