"Thank you for coming to Danaya's, our newly open restaurant. Hope you enjoy the food. I'll assure you that every costumer will be accommodate well and have a great experience here," sabi ko pa saka humarap sa kanilang lahat. Masaya kong ginupit ang ribbon na nagsisilbing palatandaan na opisyal nang nagbukas ang aking restaurant. Ang restaurant na regalo sa akin ni Aeron. Kasama kong nakikisaya sa akin si Nikki at ang team marupok. Maging ang mga staff na naroon na mula nang una palang akong tumuntong sa restaurant na iyon. At siyempre, hindi mawawala sa tabi ko si Aeron. Masaya sila para sa akin. Nakikita ko iyon sa kanilang mga mukha. Sabay-sabay silang nagpalakpakan at nagsabi ng "congrats" sa akin. Hindi ko rin naman maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang mga oras na ito. Par

