"Ay kabayong kalbo!" Halos mapatalon ako at napahawak pa sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat. Parang aatakihin yata ako nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Nikki. Nakatayo siya sa may pinto na naka-cross arm pa habang nakataas ang mga kilay at nakatingin sa akin. Para siyang nanay na naghihintay sa pag-uwi ng kanyang anak. "Ang ganda ko namang kabayo," mataray niyang sabi kasabay ang pag-irap. "Bakit naman kasi nanggugulat ka diyan?" "Hindi kita ginugulat. Kanina pa ako nakatayo dito, busy ka lang sa love life mo kaya hindi mo ako napansin." "Bakit ka kasi nandiyan?" "Hindi ba halatang hinihintay kita?" "Bakit mo ako hinihintay?" kunot noong tanong ko. "Nakalimutan mo na bang bahay ko ang inuuwian mo? Responsibilidad kita. Sobrang late na kaya nag-alala ako na baka kung

