Chapter 15

2108 Words

Kinakabahan ako sa muli kong pagpasok sa trabaho. Ang tagal kong natigil sa trabaho. Para bang hindi na ako sanay pumasok araw-araw. Nasanay ang katawan ko na laging nasa bahay. Gustuhin ko mang manatili lang sa bahay, hindi naman puwede. Ilang buwan na akong kargo ni Nikki. Halos siya na ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan namin ng anak ko. Sobrang nakakahiya na. Lumalaki na ang utang ko sa kanya. Hindi lang utang na loob kundi utang sa pera, baka mabaon na ako. Kailangan ko nang kumilos para mabayaran naman siya kahit paano. Hindi naman siya naniningil pero hindi pa rin maganda kung "thank you" lang ang maging bayad ko sa lahat ng iyon. Gumising ako ng maaga ngayong araw na ito. Ito ang araw na babalik ako sa trabaho. Nag-ayos na ako at nagsuot ng uniporme. Isang blue polo shirt

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD