Naputol ang moment sana namin ni Nikki. Buti na lang dahil sobrang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kanina habang nakatitig ako sa kanyang mga mata. Para bang nakita ko roon ang labis na pagmamahal niya sa akin pero imposible, baka namamalikmata lang ako. Feeling ko kasi parang hahalikan na niya ako pero iyon nga, bigla namang nag-ring ang cell phone ko. Ayoko sanang umalis ng bahay pero dahil sa nangyari sa amin ni Nikki, napilitan na lang akong pumayag na makipagkita kay Aeron. Dapat talaga iiwasan ko na si Aeron pero dahil naguguluhan ako sa feelings ko kay Nikki, mas pinili kong umalis na lang at makipagkita kay Aeron. Sa tingin ko, save by the bell na rin ang pagtawag ni Aeron dahil kung natuloy ang dapat mangyari sa amin ni Nikki baka hindi ko na alam kung may mukha pa akon

