FLASHBACK.
“Kendra, excited ka na bang makita ulit si Philip?" ang tanong ni mommy habang hinahanda ang mga gamit at mga toys ko sa aking bag.
Ngumiti ako at saka tumango. "Opo!" Maglalaro na naman kasi kaming dalawa sa kanilang bahay. Doon ako matutulog dahil may pupuntahan sina daddy at mommy ko at saka parents niya para sa iang business meeting.
"Magpakabait ka roon. Do not ever disgust him again, okay?"
Tumango naman ako. "Opo, Mommy."
"Let's go." Sumakay na kami sa kotse at si daddy naman ang nagmaneho nito. Excited na akong ipakita kay Philip ang bago kong laruan.
Sigurado akong mag-e-enjoy kami rito. Pero baka tulog pa siya ngayon dahil maaga pa. Wala pa ngang araw, eh. Masungit pa naman 'yun. Palagi rin siyang naiirita sa tuwing lumalapit ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Palibhasa kasi mahilig sa libro, ayaw niya ng istorbo.
"Oh, siya, magmano ka na sa Tita Winika mo."
Sinunod ko naman ang sinabi ni mommy at saka lumapit kay Tita Winika para magmano. "Pumasok at mag-enjoy ka na sa loob, Kendra. Nandoon si Philip sa playroon niya, naglalaro," ang nakangiting wika ni Tita Winika.
Sinamahan ako ng isang ale hanggang sa harap ng playroom ni Philip. Unti-unti kong binuksan ang pintuan. Pumasok ako rito nguni’t hindi ko naman siya makita. Saan na ba iyon?
Tahimik ang buong paligid. Wala akong narinig na kahit na ano. Teka, nasaan na siya? Nagpatuloy lang ako sa pagpasok. Saka ko lang napansin na nasaan ito no'ng makita ko ang kaniyang sandal sa gilid.
Nandito nga siya. Nagbabasa na naman siya as expected. Ano ba ang binabasa niya? Parang wala lang siyang pakialam. Ni hindi man lang siya lumingon sa akin kahit nandito na ako sa harapan niya.
Lumapit ako rito at saka umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang sukbit kong bag at saka ipinakita sa kaniya ang bago kong laruan na barbie doll. Bagong bili ito sa akin ni mommy kahapon.
"May bago akong toyyy!" ang pang-iinggit ko ngunit parang wala naman siyang pakialam. Hindi niya ako pinapansin. Haystt. Ano ba naman ito! Naiinis na naman siya siguro sa akin. Ano ba ang ginawa ko?
Ilang sandali pa ay narinig kong nagsalita siya. "Could you please take away that from me?"
Hindi na nga ako makikipaglaro! Diyan na siya. Bakit kasi ayaw niya akong kalaro palagi?
Tumayo na lang ako at saka naglaro na lamang nang mag-isa. Kumuha ako ng iba pa niyang laruan para may kasama ako. Unti-unti kong nilalabas ang iba ko pang mga toys.
Ako na lang ang maglalaro dahil ayaw naman niyang makipaglaro sa akin. Pwes, okay lang, 'no. Marami pa akong pwedeng maging kalaro r'yan. Hindi lang siya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalaro nang mag-isa. Ilang saglit pa napatingin ako sa kaniya na patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro. Ano kaya ang binabasa niya? Maganda ba 'yan? Sayang, umalis na kasi ako sa tabi niya. Baka magalit na siya sa akin kapag lumapit ulit ako.
Tahimik…
Naglaro na lang ulit ako. Tumalikod ako para hindi ko na siya makita pa. Kinuha ko rin 'yung malaki niyang teddy bear para siya na lang ang kalaro ko.
"Kendra… Philip…"
Dito ay may isang ale na pumasok habang tinatawag ang pangalan naming dalawa.
"Halina kayo rito. Lumabas na kayo riyan dahil mamamasyal daw sabi ng mommy ninyo. Saan na si Philip? Saan na ba ang batang 'yun?" ang tanong nito habang lumalapit sa akin.
"Ayun po siya, oh!" ang turo ko.
"Oh, Philip, tama na muna 'yan. Tumayo ka na riyan dahil mamamasyal tayo sa cultural park ngayon sabi ng mommy mo. Come here," ang utos naman nito.
"Talaga po?" ang tanong ko.
Nauna na akong lumabas kasama ang ale. Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa ni Philip doon kasi ako excited na ako.
Paglabas nito ay wala na siyang hawak na libro. Mabuti naman. Suot na niya ang eye glasses na mas lalong bumagay sa kaniya. Gwapo kasi siya.
Teka, bakit nakapamulsa siya? Hindi dapat niya ginagawa 'yan. Bakit niya ginagawa 'yan, eh, hindi pa naman siya malaki?
"Are you ready, guys?"
Si Kuya Nareeto!
"Kuya Nareeto!" Mabilis akong tumakbo rito at saka yuamakap sa kaniya. May kalaro na rin ako sa wakas! Hindi na ako malulungkot.
"Mag-ready na kayo dahil pupunta tayo ng cultural park. Bibilhin natin ang gusto nating bibilhin doon. I am sure na mag-e-enjoy tayo!" ang nakangiting wika niya.
"Yeheyyy!" ang sigaw ko.
Pumasok na kami sa kotse habang dala-dala ko pa rin ang laruan ko. Hindi ko 'to iiwan 'no! Ito na ang bagong toy na favorite ko. Maglalaro pa kami ni Kuya Nareeto mamaya.
Tahimik…
Bakit matagal? Traffic ba? Gutom pa naman ako. Mabuti na lang naalala ko na mayroon pala akong dalang chocolate kanina kaya kinuha ko ito sa bag.
Tahimik…
"Gusto mo?"
Kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin siya sa kinakain ko. Mukhang gusto 'ata niyang tikman. Nguni't napangiwi lang siya at saka hindi na lumingon pa.
Hindi ko na siya pinansin pa. Nandito naman na si Kuya Nareeto. Meron na akong kasama na kalaro. Pagkarating namin sa may park ay agad na kaming naglaro.
Si Philip naman ay tahimik lang habang naglalaro ng laruan niya. Ako naman ay nilaro ko lang din iyong akin. Tinutulungan ako ni Kuya Nareeto sa pag-aayos nito.
"Diyan na muna kayo, ah. Don't go somewhere hangga't hindi pa ako bumabalik. I'll just have our snacks to eat."
Tumango naman kaming dalawa ni Philip. Naiwan kaming dalawa rito. Naglalaro siya ng robot samantalang ako naman ay barbie doll.
Tahimik…
"Can I join with you?"
Wow! Ako ba ang kausap niya? I centered my gaze on him and got it right. Sa akin nga siya nakatingin! Ako nga ang kinakausap niya.
Ngumiti ako at saka tumango. I fixed my toy at saka tumayo para tumabi sa kaniya. Pinagsama namin ang laruan naming dalawa. Mukhang nag-e-enjoy naman siya.
"What is that?" ang tanong niya sa hawak kong gamit ni Barbie.
"Para ito kay Barbie, gamit niya kasi ito. E, ano naman 'yan?" ang tanong ko.
"This light is the superpowers of Ironman. Cool right?" he answered.
Tumango naman ako. Nagpatuloy na kami sa paglalaro. Pagbalik ni Kuya Nareeto ay may dala na siyang ice cream. Tag isa-isa kaming tatlo.
"Come here, Kendra. Dito ka sa tabi ko umupo."
Sinunod ko naman ang sinabi ni Kuya Nareeto. Tumayo ako at saka umupo sa tabi nito. Pinunasan niya ang dumi sa bibig ko at saka nagpatuloy na kami sa pagkain.
Mayamaya pa ay isa-isang inilabas ni Kuya Nareeto ang iba pang pagkain. Sobrang dami nito at meron ding juice. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa mabusog na kami.
Ako naman ay patuloy lang sa pagkain habang naglalaro. Gusto ko sanang makipaglaro sa mga batang naglalaro sa swing pero bawal daw ang sabi ni Kuya Nereeto. Kaya hanggang tingin na lang ako.
"Gusto mong subukan 'to?"
Tumango naman ako at saka dali-daling binuksan ang bibig ko. Sinubuan ako ni Kuya Nareeto ng chips na hawak niya. I smiled habang siya naman ay sibuan pa ulit ako. Masarap kasi, e.
Gusto ko namang tikman niya ang chocolate stick na hawak ko kaya mabilis ko itong inilapit sa kaniyang bibig. No'ng una ay nagulat pa siya pero kinain din niya ito sa huli. Napangisi ako sa reaction niya. Ang cute niya kasi.
Napatango-tango pa ito habang patuloy pa rin siya sa pagnguya ng binigay ko. Siguro nasarapan siya kaya muli ko naman siyang binigyan chocolate stick habang siya naman ay sinusubuan ako ng chips niyang cheese flavor.
Tahimik…
Patuloy pa rin kami sa ginagawa namin nang dumighay bigla si Philip. Napatingin kaming dalawa ni Kuya Nareeto sa kaniya na kanina pa pala nakatingin sa amin.
"Excuse me. What are you guys doing?"
Ano'ng problema niya? Napakaseryoso niya habang nakatingin ito sa aming dalawa. Nakatingin siya kay Kuya Nareeto. Hinihintay niya siguro ang sagot nito.
"W-wala… We're just eating though," ang sagot naman ni Kuya Nareeto.
Bumalik na lang ulit kami sa ginagawa namin. Nagpatuloy ako sa paglalaro sa barbie doll ko at saka inubos na ang chocolate stick na kanina ko pa kinakain. Naglaro na lang ulit ako nang mag-isa.
Tahimik…
"Ehem…" Dumighay na naman ulit si Philip.
Napatingin ako sa kaniya na hindi pa rin ubos sa kaniyang kinakain. Napakahina talaga niyang kumain kahit kailan. Nakatingin ito sa akin habang hawak-hawak pa niya ang ang isang yogurt na medyo melted na.
Bakit ganiyan siya makatingin? Napakaseryoso niya kasi. Parang may gusto siyang sabihin na ano pero ayaw lang niyang sabihin. Hindi ko na lang siya pinansin. Naglaro na lang ulit ako, 'no.
"Can you finish this food for me?"
Naramdaman ko na lang na nasa harapan ko na ang yogurt na hawak niya. Hawak-hawak pa nito ang pagkain at hinihintay niyang tanggapin ko na ito.
Umiling naman ako. "Busog na kasi ako, eh," ang katuwiran ko.
Bigla na lang lumukot ang kaniyang mukha. Hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. Bigla na lang lumungkot ang mukha niya. Wala siyang nagawa kundi ang kunin na lang ulit ito at hindi na umimik pa.
He pouted like a poor handsome guy. Gusto ko sanang kunin na lang ulit ito sa kaniya para ubusin pero nahihiya na ako. Baka kasi aawayin na naman niya ako sa susunod. Hindi na ulit ako nito papansinin.
Wala siyang nagawa kundi ang kainin na lang ulit ito. Simula no'n ay hindi na siya ulit tumingin sa akin. Nakasimangot na naman ulit ang kaniyang mata.
Tahimik…
Habang patuloy ako sa aking nilalaro nang may isang kutsara na unti-unting lumalapit sa aking bibig.
He pouted like a poor handsome guy. Gusto ko sanang kunin na lang ulit ito sa kaniya para ubusin pero nahihiya na ako. Baka kasi aawayin na naman niya ako sa susunod. Hindi na ulit ako nito papansinin.
Wala siyang nagawa kundi ang kainin na lang ulit ito. Simula no’n ay hindi na siya ulit tumingin sa akin. Nakasimangot na naman ulit ang kaniyang mukha.Tahimik…
Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalaro.
Habang patuloy ako sa aking nilalaro nang may isang kutsara na unti-unting lumalapit sa aking bibig. Si Philip. Gusto niya akong subuan. Pero bakit siya nakangisi? Ano naman ang nakakatawa?
Ilang saglit pa ay hindi na siya nakasimangot nang sa wakas ay bumukas din ang aking bunganga.
"Masarap nga!" ang anas ko.
Sinubuan pa niya ulit ako hanggang sa umulit pa ito nang umulit. Basta ako tinatanggap ko lang ang mga bigay niya at siya namn ay kumain din hanggang sa maubos na namin ito.
Pagkatapos no'n ay naglaro naman kami sa may playground. Hanggang sa maisipan ni Kuya Nareeto na habol-habulan na lang ang lalaruin namin, pero ayaw naman ni Philip kaya hindi na namin siya pinilit.
Ayaw kasi niyang madumihan, e, sabay naman kaming maliligo mamaya. Ang ending ay manonood na lang daw siya.
Pero mukhang hindi naman kami masaya dahil dalawa lang kami ang naglalaro. Umupo na lang muna ako sa may bandang gilid habang hinihintay ko pa si Kuya Nareeto dahil mayroong tumawag sa kaniyang cellphone.
Wala akong nagawa kundi ang maghintay na lang muna rito. Abala rin si Philip sa laruan niyang may superpowers.
Nanood muna ako ng mga naglalaro sa paligid. Gusto ko sanang sumali sa kanila pero bawal ang sabi ni Kuya Nareeto. Hanggang tingin na lang muna ako rito.
Tahimik…
Patuloy lang ako sa panonood hanggang sa maramdaman kong kanina pa na mayro'ng nakatingin sa akin. Umikot ang paningin ko sa paligid at totoo nga!
Lumingon ako sa paligid ko dahil baka namali lang ako ng akala pero ako lang ang mag-isa rito. There are three guys with smirk on their faces are staring at me.
Are they coming from APIU? Pareho kasi silang uniform nina Philip. Hindi kasi ako roon nag-aaal ng kindergarten dahil nasa privae school ako samantalang sila ay nasa international school.
At saka ayaw ni daddy na mag-aral ako roon. There are so many bad guys there. Katulad nila na kanina pa ako tinitingnan. Natatakot na ako kasi ilang sandali pa unti-unti na silang lumapit sa akin.
Akma na sana akong tumayo para kumaripas nang takbo nang maabutan na nila ako. Pinaikutan ako nito at hinawakan ako sa magkabilang kamay.
"Hi," ang sabi ng isang lalaki sa akin harapan na may katangkaran nang kaunti sa akin. He was smirking. Nakikita ko pa ang mapuputi niyang ngipin.
"I know your parents. It's Andre and Allia right? They are my parents business partners too." Sinenyasan niya ang mga kasama niya na huwag na akong hawakan.
"B-bakit? Ano'ng kailangan niyo sa akin?" ang tanong ko.
Tumawa siya. "Let's be friends? My name is Jayden." He was about to get a shake hands with me but I didn't respond.
"Sabi ni mommy, huwag daw akong makipag-usap sa hindi ko kakilala."
"Well, I know you. Your parents know me even," he answered.
"Okay, uuwi na 'ko," ang sagot ko.
"Dito ka muna. Let's play with my friends." Pinigilan niya ako sa balikat.
Tumanggi ako pero panay pa rin sila ng pilit nang pilit sa akin na samahan silang maglaro ng habol-habulan. Pinilit niya ako hanggang sa isang saglit pa ay bigla na lang siyang humilata sa damuhan.
Merong sumipa sa kaniyang likuran. Paglingon ko rito ay sinusuntok na ni Philip ang dalawa pang kasama ni Jayden. Pinag-untog niya ang mga ito hanggang sa mahilo sila at bumagsak din sa sahig katulad ni Jayden.
Hinawakan ako ni Philip sa kamay at saka hinarap ang tatlo na nakahandusay pa rin sa damuhan hanggang ngayon. Hindi na sila nakalaban pa.
"Don't you ever touch my girlfriend. She's just mine."
Tahimik...
'Yun ang mga katagang hinding-hindi ko makakalimutan.
Pagkatapos no'n ay tinalikuran na namin sila at bumalik na sa puwesto namin. Saka rin ang pagdating ni Kuya Nareeto na nagmamadali dahil emergency daw.
Umuwi na kami at saka natulog. Paggising ko ay naghihintay na sina mommy at daddy sa akin sa labas para sunduin ako.
Hindi ko alam na ito na pala ang huling beses na makita ko silang dalawa ni Kuya Nareeto at Philip. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi na ulit kami nakapaglaro. Wala akong alam kung saan na sila pumunta dahil ang sabi lang ni mommy ay sa China na sila mag-aaral.
END OF FLASHBACK.