Chapter 13 – Ang Nakaraan ni Marco Hindi na mapakali si Lia matapos makita ang mga lumang t****k videos ni Marco. Kahit pilit niyang sinasabi sa sarili na wala siyang karapatan magselos o magtanong, hindi pa man sila, pero iba ang kirot na dulot ng mga larawang iyon. Lalo na’t pare-pareho ang tema ng mga video—masaya, puno ng kulitan, at laging magkadikit ang binata at ang babaeng hindi niya kilala. Kinabukasan, hindi nagpadala ng mensahe si Marco tulad ng nakasanayan. Sanay si Lia na kahit simpleng “Good morning, ingat ka” ay natatanggap niya mula rito. Pero sa araw na iyon, wala. Tila biglang naglaho ang binata. --- Samantala, sa kabilang bahagi ng lungsod, nakaupo si Marco sa isang lumang waiting shed malapit sa campus. Hindi niya mapigilang titigan ang cellphone na hawak niya. Sa s

