Continuation of Chlay's POV
Natutulala ako at nabawi ko naman ito agad saka ako sumagot kay Grei.
“Ih akala ko kasi nag bibiro ka na naman, last time kasi biniro moko na nasa hospital kang gag* ka” natawa naman sya sa sinabi ko kaya nainis ako lalo.
“Isa pa grei ha, ano ba kasi nangyare? Can you explain it certainly?” sagot ko naman dito at bigla syang natahimik.
“Yun nanga nandito kami sa mall nag pa panic buying yung mga tao ngayon dahil bukas na bukas ay lock down na at bawal na daw lumabas, again Chlay BAWAL na lumabas.” dini inan niya naman ang pag ka sabi ng bawal kaya mejo tinawanan ko siya sa isip ko.
“Ahh grei, actually kanina pa kami naka bili ng stock's, remember nasa business sina mom at dad, kaya tumawag sila kanina kay yaya at namalengke then done. Btw pauwi na daw sila mommy kaya no worries:)” sagot ko dito at matagal itong kumibo kaya tinawag ko ito.
“Grei? Hello? Anjan kapa ba? Hello? Ang Oa naman sinabi ko lang na alam ko na di na maka sagot aba oa nga.-,-” sabi ko naman dito at wala na akong narinig na boses sa gitna ng tawag.
Nang wala na talaga akong marinig ay pinatay ko ito at nanuod ulit ng teleserye.
GREI'S POV
Bigla na lamang akong pinatayan ng tawag ni Chlay kaya nag focus nalang ako sa pamimili dito sa mall kasama si mommy.
Kanina kasi habang ka tawag ko si Chaly ay biglang may nag text sakin na unregistered number at sabi nun ay..
*FLASHBACK*
Habang nag sasalita si Chlay sa tawag ay may biglang nag text na unregistered number at ang sabi nito ay..
09*********
«Kamusta kana jan? Ok lang ba kayo? Anong ginagawa ng mommy mo ngayon?»
Text sakin nung unregistered number kaya kinilabutan ako sa na basa, bat nya kami kilala? Bat nya tinatanong kung kamusta na kami? Sino to?
Maraming tanong sa aking isipan na diko masagot kaya napa tulala ako at diko napansin na tinatawag na pala ako ni Chlay duon sa tawag, imbis na sasagutin ko na ito ay bigla na lamang akong pinatayan, kaya hinitay ko nalang si mommy na matapos mamili ng stock's para sa amin.
Nag hintay ako sa kotse ng ilang minuto at tumunog na naman ang ringtone ng aking messenger kaya bigla akong napatingin dito lara tignan kung sino ang nag chat.
At sa kamalas malasan ng aking buhay, ay siya na naman ang nag chat. Kahit kailan talagaang kulit din netong buang nato.
Jake:
«Hi Grei wassup?»
Ang baduy naman nitong ka chat pwe.
Reply:
«wassup mama mo, ano na naman ba kailangan mo?»
Message sent!
Diko pinahalata na masyado na akong naiirita sa presensya na binibigay nya ngayon, mas lalo nyang pina pasakit ang aking sintido.
Jake:
«Ang sungit mo naman Grei, bakit nga ba ganyan ka sa akin?»
Napaka epal talaga nito tss. Kulang sa pansin!
Reply:
«SABI KO NAMAN SA IYO NA DI AKO INTERESADO KAYA WAG MO NA AKONG I CHAT DAHIL MEJO NAKAKA IRITA NA!»
Message sent!
Pinakita kong galit ako sa aking reply upang akoy tigilan niya na, pero sa kasamaang palad ay nangulit pa rin ito at plano atang di tumigil kaka chat.
Jake:
«Grabe ka naman Grei nag chat lang eh nagagalit ka kaagad.»
Halata dito na nag mamaka awa kaya inisnab ko nalang ang kanyang reply at nag focus nalang sa pag hihintay kay mommy.
And speaking of mommy, pa balik na sila nila yaya kaya ok na dahil makaka uwi na ako.
“Ohh darling bakit ka naka simangot jan? Nainip kaba kaka hintay sakin darling? Ok lang naman na wag mo nakong samahan e” sagot naman ni mommy kaya nahiya ako, she gets the wrong idea kaya..
“No mom uhmm nainis lang po ako kay chlay kasi pinatayan niya ako ng call” pag dadahilan ko.
“Tsaka mom i insisted naman po na sumama mag mall ih kaya ok lang po, lab na lab kaya kita, kahit kailan di ako nainip kaka hintay sayo, iloveyou mom!” sagot ko dito at bigla naman siyang napa ngiti sa sinabi ko kaya niyakap niya ako at..
“Iloveyoutoo darling, ang swerte ko sa inyo ng kuya mo. Ang bait bait niyo at ang sweet pa, btw bumili ako ng favorite ice-cream mo.” sabay bigay sa akin nung cheese flavor na ice-cream.
Oo favorite ko yung cheese flavor, haha wala lang masarap kasi.
“Thank you mom, you're the best!” sabi ko dito sabay yakap.
At nung maka uwi na kami sa bahay ay pumunta muna ako sa aking kwarto upang maligo dahil naiinitan ako sa panahon ngayon, hinanda ko muna ang aking undergarments tsaka ang aking strawberry designed na pajama
Nang matapos akong mag prepare ay pumasok na ako sa sarili kong banyo at naligo. It takes an hour bago ako naka labas dahil nag toothbrush pa ako bago lumabas.
At nung maka labas ako ay dumeretso ako sa kwarto ni mommy dahil alam kong busy ito sa mga paper works at gusto ko lang siyang batiin bago pumunta sa kusina para kumain.
*TOKTOKTOK*
Katok ko sa pinto ni mommy bago ito binuksan.
I kissed mommy's cheeks muna bago ako nag salita. Gawain ko kasi ito pag busy sya sa trabaho.
“Hi mom good evening, di kapa po ba tapos jan?” tanong ko kay mommy.
“Malapit na akong matapos dito anak, gutom kana ba? Tawagin ko nalang muna si yaya para mag prepare ng kakainin m——”
“No mom mag hihintay nalang po ako sa sala sabay na tayo kakain, tutal malapit ka naman nang matapos jan kaya hihintayin nalang kita sa baba” natigil ko ang pag sasalita ni mommy saka hinalikan ito ulit sa pisnge at nag pa alam na ba baba na ako.
Bago ko pa mabuksan ang pinto ng kwarto ni mommy para lumabas ay biglang nag salita ito.
“Im so lucky to have you both of your brother in my life grei” kuminang naman ang mga mata nito at halatang maiiyak na sa simple kong ginawa.
Binalikan ko ito at niyakap ng mahigpit at niyakap naman ako pabalik ni mommy, saka na lamang ako bumitaw sa yakap nung marinig ko ang kalam ng sikmura ni mommy.
*BBRRRRRGGG*
Rinig ko dito saka ako natawa, at tumawa na din si mommy dahil kumakalam na ang kanyang tiyan.
“Dito nalang po tayo kakain sasabihan ko nalang po si manang mom, hintay ka nalang po muna jan, dadalhin ko nalang dito ang pag kain para sabay na tayo.”