Nagpahinga kami saglit para kumain dahil ang bilis ng oras at gabi na pala. Bumili lang kami ng hotdog sandwich tsaka fries since wala naman nagtitinda ng rice dito kaya eto na lang napili namin. Naghanap kami ng bakanteng bench para naman may maupuan kami habang nagpapahinga at kumakain. Nakakita kami ng bench sa may bandang likuran ng amusement park, may mangilan ngilan ding nagpapahinga dito. Maganda ang pwesto dito kasi hindi gaanong dinig ang ingay at malalakas na sigawan ng mga taong nakasakay sa mga rides. Maliwanag din dito kaya kahit papano hindi kami mahihirapan kumain. Hawak ko ang dalawang hotdog sandwich at isang bowl ng fries na binili namin habang hawak naman ni zach ang dalawang orange juice in can. Nauna itong umupo doon at pinagpagan muna ang puwesto ko bago ako pina

