Dahan-dahan ang ginawa kong pag-akyat sa hagdanan at takot na takot na makagawa ng anumang klaseng ingay. Sobrang tahimik sa taas pero hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko kanina. Isa iyong malakas na kalabog, animo'y may isang mabigat na bagay ang nahulog o bumagsak. Pumikit ako ng mariin ng makarating ako sa tapat ng pinto ng guest room. Dito nanggaling ang ingay na narinig nya kanina. Dinig na dinig nya ang malakas na ihip hangin sa labas kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Napapitlag pa ako ng biglang kumulog ng malakas at napaupo sa sahig habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa magkabila kong tenga. Ano ba naman ito! Nakakanerbyos itong nangyayari sa akin ngayon. Sino ba ang papasok ng ganitong oras sa loob ng bahay namin at dito pa talaga sa guest room? Kung magnanaka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


