Carl Resueño's POV
"Oh! Em! Gi! Did you see that? Kinausap niya ako. Ako talaga!" halos mapatalon ako sa sobrang kilig dahil first time in the history of my existence na kinausap ako ng ultimate crush ko na si Anthony Hurls. Like hello? Siya yun. Siya mismo. Ang Anthony Hurls na halos sambahin ng halos kalahati ng mga estudyante ng campus. Ultimate crush ng lahat kumbaga.
He’s so handsome talaga. Yung tipong kahit simpleng lingon lang niya, parang slow motion sa paningin ko. AAAAHHHH gusto kong sumigaw sa sobrang kilig pero kailangan kong i-maintain ang pagiging dalagang Pilipina ko. Hindi pwedeng magwala sa parking lot. Reputation ko din yun noh.
"Bakla ka ng taon. Yari ka talaga kay Dzyre kapag nalaman niya na binigay mo kay Anthony ang number niya."
Natanggal ang tingin ko sa napaka s3xy na likod ni Anthony at napalingon kay Josephine. Tinaasan ko siya ng isang kilay, yung tipong hindi mo alam kung mas mataray o mas maganda ako. I mean, alam ko namang mas mataray siya pero sure ako na mas maganda ako.
"At sino nagsabing number ni Dzyre ang binigay ko?" pagtataray kong sabi. Napaawang ang bibig ni Josephine at tila ba hindi makapaniwala sa katalinuhan kong taglay. Well... ako na 'to. Wala ng makakatalo pa sa taglay kong diskarte. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa kaya nag pose ako sa harap niya. I crossed my legs together bent a little to the front and sabay kagat ng daliri ko. You won't catch me looking ugly while being scanned noh. Over my dead s3xy ahh body!
And naku, bahala siya kung ano man ang isipin niya. Pagkakataon ko na to noh. Hindi ko na palalampasin pa. Ilang taon ko rin tong hinintay. Hindi ko ibibigay ang spotlight na to kahit kanino.
Napailing na lang si Josephine pagkatapos ay tinalikuran ako sabay lakad papalayo sa akin. Sinundan ko naman ang mga yapak niya habang kinukuha ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng pantalon ko. Tinignan ko ang screen na akala mo naman ay makakatanggap agad ako ng text galing kay Anthony. Ay bakit ba? Excited ako e. I'm finally able to have Anthony's contact sa phone ko.
"Kailan kaya siya magte-text sa akin?" kinikilig kong sabi habang dinidikit ang phone sa dibdib ko at kulang na lang ay yakapin ko ito. Gosh!! Only if I could manifest right now tapos ngayon din mangyayari. With a heartbeat, gagawin ko talaga.
I have been crushing on Anthony simula pa nung naging kaklase ko siya noong senior high. Isang beses lang yun at isang subject lang, pero sapat na para masira ang emotional stability ko. Tahimik siya kapag hindi ang mga kaibigan niya ang kasama niya. May taglay ding talino pero slight lang. But I feel like na kapag nag focus siya sa pag-aaral niya, he has a potential to get an A sa grades niya. I'm not a stalker ah. Alam ko lang kasi nakakatabi ko siya minsan and nakikita ko kung paano siya kapag interesado siya sa subject. Ayun nga lang... madalas ay inaantok siya sa klase.
Pero kahit ganoon, never niya akong kinausap noon. Never niya akong pinansin. At never ko rin naman siyang sinubukang kausapin. Una, may girlfriend siya noon. Pangalawa, kahit subukan ko, malamang hindi rin niya ako mapapansin. Hindi naman ako ganun ka delusyonal noh. Happy crush ko lang siya. Yung tipong sapat na sa akin na makita siya araw araw at ma-stalk siya paminsan minsan sa soc med.
Hayst. Naalala ko tuloy yung dati niyang girlfriend. Sobrang selosa. Parang lahat ng babae sa paligid ni Anthony ay potential threat. Pero kung tutuusin, hindi mo rin naman siya masisisi. Kung ang jowa mo ba naman ay si Anthony Hurls, o kahit sino pa dun sa mga pogi niyang kaibigan, malamang araw araw kang kabado.
"By the way, nakita ko sa soc med na bukas na yung inaantay nating seafoods restaurant by the bay. Do you want to check it out?" balita ni Josephine habang naglalakad kami papunta kung saan naka park ang sasakyan namin.
"Well, not without Dzyre," sagot ko agad. Hindi pwede na kami lang. Trio kami. Hindi pwedeng kulang.
Agad kong binuhay ang phone ko at dine-dial ang number ni Dzyre. Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong beses ko siyang tinawagan pero walang sagot.
Gosh. Bakit ako kinakabahan? Asan na kaya ang gag@ na yun?
"Hindi pa rin sumasagot ang gag@," sabi ko.
"Baka pauwi na yun," ani naman ni Josephine. "Pero daanan muna natin para makasigurado tayong okay yung babaeng yun."
Tumango ako kahit medyo hindi ako mapakali. Tama lang talaga na daanan namin muna si Dzyre at baka kung saan na napadpad yun sa sobrang lalim ng iniisip simula pa kanina.
Sumakay kami sa sari sarili naming sasakyan. Pagkabuhay ko ng makina, agad ko rin itong pinaandar at sinundan naman ni Josephine. Habang tinutunton namin ang daan papunta sa bahay ni Dzyre, unti unting dumidilim ang paligid. Yung ilaw ng poste sa kalsada ay isa isang nagbubukas. Nawala lahat ng pag-aalala ko ng mapansin ko ang isang sobrang pamilyar na babae. Naglalakad sa gilid ng kalsada. It's her.
Bubusinahan ko na sana ngunit nauna na si Josephine kaya napalingon si Dzyre. Alam na niya agad na sasakyan namin yun dahil kabisado na niya ang tunog ng makina ng sasakyan namin.
Hinintuan ko agad siya at tinanggal ang pagkaka-lock ng sasakyan. Walang pag dadalawang isip naman siyang lumapit at sumakay ng sasakyan.
"Girl, bakit ka naglakad?" tanong ko na para bang wala akong kaide-ideya sa nangyari kanina. I know. Alam ko. Pero tinanong ko pa rin just to ask. Just to start something to talk about.
"Alam mo naman eh. First time kong magkaroon ng ganong encounter, tapos sila Anthony pa," paliwanag niya. "Sa sobrang kaba ko kanina, hidni ko na naisipan pang mag-antay sa labas ng gate para sa jeep. Naisip ko rin kasi na baka maabutan pa ako dun ni Anthony. Lalo talaga akong mayayari."
Pero ang kaninang pagkabalisa niya ay wala na. She’s acting normal now. Calm. Controlled. Just being herself. Parang walang nangyari. Good. Good for her. Hindi kami sanay na ganon siya. Hindi siya yung tipo na nagpapakita ng kahinaan. Siya pa nga usually ang pinaka composed sa amin.
"I mean, okay lang naman siguro kahit hindi mo siya sinipot. May magagawa ba siya?" sabi ko kahit alam kong oo, may magagawa talaga yun. Si Anthony Hurls yun e. Hindi yun basta basta nagpapatalo. Lalo na at napahiya yun sa mga kaibigan niya. Having an idea of who Anthony is, sigurado ako na hindi siya sanay ng hindi siya sinisipot. Especially ng isang babae.
Sandaling natahimik si Dzyre. Pinagmamasdan lang niya ang mga gusali at mga punong nadadaanan namin.
"Ewan ko," sagot niya sa wakas. "Pero pakiramdam ko hindi pa tapos yun." mahina niya pang dugtong sa sinabi niya kanina. Ayun na nga ang mangyayari 'dun.
Tsk! Kasi naman e, sabi na nga namin sa babaeng ito na sasamahan na lang namin siya kanina pero mas pinili pa niya ang tumakas na lang. Eh kung pumunta na lang sana siya kanina, baka napag-usapan pa ng maayos ang nangyari.
Tumahimik ang loob ng sasakyan. Hindi ko din nma kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya nag pokus na lang ako sa pagmamaneho.
Pero kahit na ganoon, sana alam niya na kahit na anong mangyari, nandito lang kami ni Josephine para sa kaniya. Gagawin namin ang lahat para lang maprotektahan namin siya. Hindi kami papayag na api-apihin lang siya ng kahit na sino.
Sa sobrang tahimik ng loob ng sasakyan, parehas kaming nagulat ni Dzyre ng tumunog ang phone ko.
Nataranta akong kinuha ang phone sa bulsa ko. "Omg! Omg! Baka si Anthony na 'to." pero ng i-check ko ito, nadisappoint ako ng makita kong si Josephine lang pala kaya binigay ko agad kay Dzyre ang phone. "Anthony huh? Bakit naman tatawag sayo si Anthony?" natatawang sabi ni Dzyre sa akin bago sagutin ang tawag ni Josephine. "Syempre nung hinihingi niya kanina yung number mo, yung akin yung binigay ko noh. For my own benefit of course."
Natawa ulit si Dzyre pero natigil iyun ng marealized niya yung sinabi ko. "Wait! Hinihingi niya yung number ko? Ibinagsak niya yung kamay niya na may hawak ng phone ko sa hita niya sabay napabuntong hininga. "I'm dead talaga1" Oh hell no!! Hindi ko talaga mapigilan 'tong bibig na 'to. This is not the right time to talk about it.
"Guys, so ano? Pupunta ba tayo dun sa seafoods restaurant." sabi ni Josephine sa kabilang linya. Ay shoot!Nakalimutan ko na yung goal dahil sa kadaldalan namin. "Saan?" pagtatanong ni Dzyre sabay tingin sa akin. Naisipan ko munang ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada na sinundan din naman ni Josephine.
"Yes na yes! Ang tagal ko kayang inaantay yun noh. I am not going to miss their opening!" maligalig kong sagot kay Josephine ng biglang nagsalita ang katabi ko.
"Guys hindi ako pwede. Bayarin na ng mga bills sa susunod na araw. Hindi ko na pwedeng bawasan yung iniipon kong pera."
Napairap naman ako bago ako muling nagsalita. "It's my treat." ani ko kaya biglang napasigaw si Josephine sa kabilang linya ng phone.
"Yes! Yes! Thank you, Carl! The best ka talaga!" Napataas nanaman ang kilay ko,
"It's Carla, you peasant!" angal ko sabay ikot ng mga mata ko na ikinatawa naman nilang parehas.
"My bad, Carla!" natatawa namang sagot ni Josephine. "So, tuloy na! Let's go!"
Pinatay na ni Josephine ang tawag at kasunod niya ay ibinalikwas ko na ang sasakyan ko para baybayin ang baybay. Oh, diba parang tongue twist lang.
" Sure ka ba? Nakakahiya na sa inyo, lagi niyo na lang akong nililibre."
"Ano ka ba... oo naman at sure ako noh, tsaka wala yun sa akin. Kita mo nga si Josephine ang kapal ng mukha, mas excited pa ngayon sa akin." pagbibiro ko pa kaya natawa naman si Dzyre. Seeing Dzyre smile sa mga ganitong seryosong moment makes me relief, somehow.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa akin. "Yiieee! Sige na nga. Let's G!"