Hindi na kami nagtagal. Nagpaalam na ako kaagad kay Summer. Hihintayin pa raw nila sina Rocket at Mark. Nasabi sa'kin ni Rocket na may meeting sila after ng game. May usapan naman rin kaming pupuntahan niya ako. Kaya sa condo ni Genesis na ako dumiretso. Naglalaro kami ng UNO cards nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Nagbaba muna ako ng dalawang yellow card bago tiningnan kung sinong nag-message. Tita Nicole: Where are you? Friday: Genesis's. Tita Nicole: Meet me at the Hospital. Friday: I'm gonna meet Rocket, Tita Nicole. Is it okay? Usapan naman talaga naming sabay kami uuwi ni Tita Nicole. Actually siya ang taga-hatid sundo ko lately dahil busy si Kuya August. Tita Nicole: Okay. I'll give you an hour. Napa-ungol ako. Ano ba yan! May oras pa. Para naman akong si Cinderell

