Mukhang nakaramdam ang kumag at nate-tense na umakbay sa’kin. Siniko ko siya pero hindi niya inalis 'yung braso sa balikat ko. "Ah, hinatid ko lang dito si Friday." Pilit ang ngiting sagot ni Rocket kay Irish. "Aalis rin ako kaagad nabasa ko yung chat niyo sa GC na bawal ang lalaki." Bumaba ang tingin sa'kin ni Irish, na mukhang ngayon lang ako napansin. "Hinatid mo... siya?" Naguguluhang tanong niya, pinaglilipat ang tingin sa'min. Galing sa loob ng unit ng biglang sumulpot si Summer. “Friday!” Nagbeso siya sa'kin pagkatapos binalingan si Rocket na nasa tabi ko. "Oy, ihahatid mo lang ang usapan natin! You can't stay!" Rocket rolled his eyes. Iniabot ang hawak na paper bag kay Summer. "Oo. Alam ko. 'Yung sinabi ko sa'yo. Off limits." "Oo! Grabe siya walang tiwala?" Tumatawang ani Sum

