"Ate Rozen! Saan niyo po siya dadalhin!" natatarantang tanong ko sa dalawang lalaking nakasuot ng police uniform. Hinihila at hawak-hawak nila sa magkabilang braso si Ate Rozen. "Inireport po sa pulisya ang pang-gugulong ginawa ni Ms. Rozen Montero kagabi sa party sa Villegas Hotel. Kailangan po niyang sumama sa 'min sa pulisya." "Bitiwan niyo nga ako!" pagpupumiglas ni Ate Rozen. "Kung sasama po kayo ng maayos ay hindi naman po namin kayo pupwersahin." "Bitiwan niyo ako. Sasama ako sa inyo ng maayos," malumanay na sabi ni Ate Rozen bago bumaling sa 'kin. "Friday, tawagan mo si Rocket. Salamat." Sunod-sunod ang naging pagtango ko. Bumalik ang tingin ni Ate Rozen sa dalawang pulis at malumanay na sumama sa mga ito. Dali-dali akong pumasok sa loob ng unit at tinawagan si Rocket. "Love

