Tulala ako hanggang sa makalabas kami ng clinic ni Dr. Friaz. Ayaw mag-sink in sa'kin lahat ng sinabi nang doctor sa'min. How come, na ‘di namin napapansin ang mga senyales na may dinaramdam na pala si Tita Nicole? Ganoon ba kami naging kaabala sa mga buhay namin? At bakit hindi niya sinasabi sa 'min? Sana.. sana.. naagaapan pa no’ng maliit pa lang ang tumor. "Friday, umuwi ka na baka maabutan ka pa ng traffic. Narito naman ang Kuya mo para ipagdrive kami—" "Why didn't you tell us, Tita Nicole?” May hinanakit kong sabi. Natigilan si Trina sa pagtutulak ng wheelchair ni Tita Nicole nang huminto ako sa harapan nila. Nasa gitna kami ng empty hallway papuntang lobby. Hindi ko kaya itago at baliwalain na lang itong hinananakit na nararamdaman ko, e. I need answer. She's acting as if not

