Pumunta kami ni Kyle sa food bazarre na katapat lang ng Business Park. Maraming tao pero hindi crowded dahil malawak ang space at hindi tabi-tabi ang mga stall. Ang cute ng set-up nila dito. Wooden ang mga upuan at lamesa. Nilagyan 'yon ng checkered na mantle. Ang pailaw naman ay 'yung maliliit na bulb lights na pang aesthetic! May tumutugtog pang band doon sa maliit na stage sa gitna. 'Yung ganitong lugar bagay talaga sa simpleng celebration ng birthdays or anniversarry. Pag-uwi ni Rocket yayain ko siya rito. Thinking about him made me sad again. If he was here with me, this night would have been perfect. Enough, Friday. Hindi nga ako umuwi sa condo dahil panigurado magmumukmok lang ako roon. For once, it's my birthday.. gusto kong mag-relax. Mag-enjoy. I deserve this after a long t

