Chapter 6

2954 Words
I couldn't take my eyes off them until Rocket looked at my direction. I didn't know what he saw with my expression, dahil biglang umawang ang bibig niya at mabilis na lumayo kay Irish na para bang na caught-in-the-act-cheating ng girlfriend. Humakbang siya papalapit, pero hinatak na ako ni Violet pababa sa hagdanan.   "Tara na, girl!"   Nag-iwas ako ng tingin at wala sa sariling nagpatangay na lang sa hatak ni Violet.   When we got to the dancefloor, the girls and I formed a circle and we started dancing but I was distracted. Their lips against each other kept on flashing in my f*****g head! Suddenly I remember that girl, siya yung kayakapan ni Rocket sa picture.   Is that his girlfriend?   Base sa ginawa nung babae hindi malayong girlfriend nga iyon ni Rocket. And everyone was teasing them.   I shooked my head, shoving it away from my memory.   What is wrong with me? The f**k I care if he kissed every girl in this damn club! Mamaga sana ang nguso niya!    Pinilit kong ialis sa isip ang panget na image ni Rocket and that girl Irish. I groove in to the beat. I moved my hips blending in to the music, trying to forget. Summer and Violet banging their heads wildly, dancing in a sexy dance. Czarina was holding a margarita on her right hand, dancing like there’s no tomorrow, walang pakialam sa mga nababanggan ng balikat.   Janna on the side was... crying.   Tama. Umiiyak nga siya, sinusubukang punasan yung luha niya gamit ang likod ng kamay. She was talking to Jela, hugging her. 'di ko maintindihan anong sinasabi niya dahil sa lakas ng music.   What was she crying about?   Napahawak ako sa ulo nang umikot ang paligid. Lalo akong nahihilo sa amoy ng pinaghalong alak at pabango ng mga sumasayaw. Nabubunggo na ako nang mga sumasayaw rin sa dancefloor when  someone pulled me away from our group.   "Miss, okay ka lang?" said the man wrapping his arms around my waist.   I was shocked but I'm too drunk to react. I felt dizzy and my sight was blurry. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking nakayakap sa'kin. But I don't like his smell! Very uncle!   "I-I'm okay.. " I pushed him on the chest but my hands were weak. "L-Let me go.."   He grinned and his gripped tightened. "Oh, exactly what I like..." he whispered maliciously, looking like a predator ready to devour his prey. "Feisty and.. young." He pulled me closer and tried to kissed me.   I shoved his face weakly. "B-Bitiwan mo nga ko!" Pero di siya nagpatinag nang manlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagpisil sa aking pwetan.   "Pakipot ka pa. Isa lang naman-" malakas na napaatras 'yung lalaking bago pa niya ako mahalikan nang mula sa likuran ay may bumalya rito.   "Tangina!" The man behind angrily yelled then grabbed my waist, pulling me away from that manyakis.   I looked up and my lips parted when I saw Rocket. Nanlalabo at umiikot pa rin ang paningin ko pero di ako pwedeng magkamali. Kahit blurry ang image niya. Kabisado ko ang scent niya amd he looks so mad!   Kinuwelyuhan ni Rocket yung lalaki. "Putang-ina mo! Anong trip mong gago ka!" Sabay suntok.   I tried to grabbed his arm to stopped him but I lost my balance and fell on the floor, holding my head. Sinalo ako nina Violet na nakalapit kaagad.   "s**t! Tawagan niyo sina Mark dali!" Summer shouted, panicking.   Pinunasan ng lalaki yung bibig niyang dumudugo. "Aba! Matapang 'tong batang 'to, ah-“ umamba ito ng suntok subalit natigilan sa ere ang kamao sa biglang pagdating ng dalawang bouncer.   "Bawal 'yan, Sir." Awat ng dalawang lalaki. Hinawakan nila sa magkabilang braso 'yung manyakis.   "Sapakin kita! Tangina mo!" galit duro ni Rocket sa mamang manyakis. Pinipigilan siya nina Mark at ng isa pang lalaking hindi ko kilala sa magkabila ring braso. Pero patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas habang dinuduro Mamàng manyakis. Rocket was so mad, really mad. Ang lakas ng boses niya. Nakikipag-sagutan at gusto ulit manuntok.   Hindi ko na maintindihan ano pa mga pinagsasabi nila, parehas silang galit at inaawat. Then the people at the dancefloor suddenly surrouded us.   “s**t! Patulong, guys!” Tili ni Violet habang sinusubukan akong itayo mula sa pagkakasamlampak sa sahig ng dancefloor. Hindi niya ako magawang maitayo mag-isa dahil sa nanlalambot kong tuhod at umiikot na paligid nawawalan talaga ako ng balanse. Naisasama ko siya sa kada mapapaupo ako uli.     Lumapit sina sa Summer at tinulunga si Violet. Inakyat nila ako sa second floor. I collapsed on the couch. Kaagad ko ring binangon ang aking ulo. Naamoy ko kasi sa hininga ko 'yung alak, lalo lang akong nahihilo at nasusuka.   "Oh, god... I wanna throw up," nanlalambot na yumakap ako sa arm rest ng couch.   Fuck, Alcohol! I hate you!   "Friday, you okay?" Nag-aalalang tumabi sa'kin si Summer. She tried to hold my head but It bounced back on the arm rest. "God, she's wasted! Water please! She needs to sober up!"   "Jela! Ano na nangyayari diyan?!" Czarina yelled at Jela who's leaning on the railings, nakasilip dun sa nangyayari sa ibaba.   "Gago, dumating si Gunter!" balik na sigaw ni Jela.   I tried to get up. Tinungkod ko ang isang kamay ko sa arm rest. But damn! parang may 7.5 magnitude earthquake!   "Uy, wag mo pilitin!" Pigil sa'kin ni Summer. She's rubbing my back. "Saan na yung water!"   "Ito na, Sis!" narinig kong nagpapanic na sabi ni Violet.   "Inom muna ka tubig." Inilapit ni Czarina na nakaluhod sa harapan ko 'yung baso sa bibig ko. I sipped a little and pushed it weakly. Tumapon tuloy sa damit ko. Tumawa pa ako sa katangahan ko.   "f**k, lasing na lasing!" Violet muttered. "Bakit kasi pinilit mo gaga ka!" Inipit niya sa magkabilang palad ang namumulang pisngi ko. "Nakikita mo pa ba ako? Oh, sabog kana talaga? Hellooooo!" Inilapit pa niya ang mukha sa sakin.   "Ano ba!" Hinawi ko yung kamay niya at yumupyop ulit sa arm rest ng couch. "Lalo akong nahihilo, bwiset ka!" Maktol ko na parang bata.   "Ay, wala bangag na talaga siya! Hays!"   My head hurts. I shut my eyes. Pero naririnig ko pa rin ang maingay na pag-uusap usap nila. Di ko na alam kung sino-sino ang nagsasalita.   "Ano nangyari diyan?" Tanong ng isang boses babae.   I can't figure out who she is, dahil na rin sa malakas na music at sabay-sabay silang nagsasalita.   "She's my friend," Violet answered.   "Tsk. She's wasted. Paano uuwi 'yan?"   "Hala, gagu! Anong nangyari diyan?" Exaggerated na tanong ng isang boses lalaki. "Patay na yata yan, eh!"   "Gago! Humihinga patay? Di ba pwedeng lasing lang! Tangina nito walang utak!" Sagot nang isa pang lalaki.   "Stop it! Nasaan ba sila Rocket?" naiiritang tanong ulit nung babae kanina.   "Nasa ibaba pa! Napa-trouble yung ex mo. Tsk. Buti dumating si Gunter."   Ex? Ex? Ex?   "What?! Ano bang nangyari? Nag-restroom lang ako. Pag-labas ko nawala na kayo. Paano'ng-"   A loud sound of a broken glasses stopped everyone from talking, It follows a shocking and terrors voices.   "Huy, tangina si Janna!!!"   "Anang ng puta! Anong promblema niyan! Bakit umiiyak 'yan!"   I heard footsteps running away from me.   "Inuman lang walang iyakan."   Pinilit kong bumangon ng dahan-dahan. I hold my head, when I felt a little dizzy. I opened my eyes, it was blurry but enough to recognize a girl sitting on the floor, her hands clenching on her chest. She's sobbing so hard. I could hear her pain. She was surrounded by foggy images. May nakatumbang mesa sa gilid at nagkalat doon ang basag-basag na bote ng alcohol.   I'm confused. Kanina pa siya umiiyak.   "Tangina, Jela! Kahit anong gawin ko bakit hindi niya ako makita, e! Hindi..." She said crying. "Ang tagal ko ng umaasa... ang tagal na..."   silence.   "Pinakitaan ka lang ng maganda umasa ka naman agad?! huwag kasing assumera! Ngayon iiyak-iyak ka, boba! Kasalanan mo!"   "THIS IS ALL YOUR FAULT! YOU, SLUT!"   "Kasalanan ko ba ha? Kasalanan kong sa'kin nagka-gusto 'yung matagal mo ng crush?! Accept it na lang I'm better than you, cry baby!"   "Cry baby? Eh, ikaw? Pokpok!"   "Aruuuy! Foul yun!"   "Janna bibig mo pasmado!"   "Oh, excuse me, huh? Ang pokpok na 'to lang naman ang pinili ng matagal mo ng gusto. Kawawa ka naman hanggang panaginip at pangarap ka na lang, oy!"   "ENOUGH! ano ba, Irish! You knew how hard it was for Janna! Stop. Please!" Mariing sabi Summer   "Respeto naman, guys birthday ni Mark ngayon, oh!" Jela joined in.   "Respect? Tell it to that slut!!" Janna shot back. "She shouldn't be here!"   "Men, tama na. Tama na. Tara palamig muna tayo sa labas," singit ng isang lalaki. Tinapik sa balikat si Irish.   "Cry baby!" Nag-walk out si Irish kasunod yung dalawang lalaki. Janna was still on the floor crying. Inaalo siya ng mga girls.   Naguguluhan at lalong sumasakit ang ulo ko sa drama nila. Sino ba kasing pinag-aawayan nila?   Pinilit akong tumayo. Napahawak ako sa ulo ko but I managed to hold on to the couch's arm rest for supporting my weak knees.   Kailangan kong isuka 'to para um-okay 'yung pakiramdam ko.   I'm walking like drunk lady until I reached the restroom. Pagpasok ko dumiretso ako sa pangalawang cubicle. Gulat na napatingin pa sa'kin yung dalawang babaeng nag-re-retouch nang muntik ako madulas. Lucky me, napahawak ako kaagad sa pintuan ng cubicle.   "You okay?" The girl wearing pink dress asked with corcern in her voice.   "Yeah! Yeah!" I throw my hands ni the air, drunk. "Just a little tipsy." Ngumisi ako saka Isinara ang pintuan. I can't hold it anymore. Pasalampak akong umupo sa tiled na sahig at sumuka sa bowl.   Accccck! Acccck! Acccck!   "Fucccccck! F-Fuccck! F-Fucccck this life!" Nanghihinang inabot ko 'yung flash. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. Niyakap ko ang bowl at yumupyop doon. Napatili ako nang pabalibag na bumukas ang pintuan ng cubicle. Muntik pa ako tamaan!   "Friday!" Lumuhod si Violet sa tabi ko. Hinimas niya ang likod ko. "Ang tanga mo friend! Bakit kasi nagpakalasing! Sarap mong sampalin!"   Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya saka ako marahang tumayo. "We neeeeeed to go home, Vi." She helped get up, pero parehas kaming natumba.   "Ay, p**e!"   "Ayan, tanga!" I giggled.   "Gaga!" She laughed.   Hinilamusan ako ni Violet pero nabasa lang 'yung damit ko at humulas ang make up. We both laughed hysterically when we looked at the mirror. Nagmukha na akong panda dahil sa kumalat na mascara. Nasabunutan ko tuloy siya sa inis. Tumatawang sinampal naman niya ako.   "Taena naman, e! Mukha na ako panda!" Sigaw ko na parang bata. "I hate you! I hate youuuu!"   "Friday? Violet?" Bumukas ang pintuan ng restroom at pumasok si Summer. Shocked napatitig siya sa'kin. I laughed at her reaction. "OMG! Okay lang kayo?"   "Yes, we're-" natigilan si Violet at pinagmasdan ang itsura namin sa salamin. "We're not okay."   "Let's go! You two need to go home!" Hinatak na kami ni Summer palabas ng restroom.   Pagbalik namin sa couch kumpleto na sila doon. Including the boys. Lumapit kaagad si Rocket nang makita kami.   "Anong nangyari diyan?!" Nanlalaki ang matang tanong niya habang nakatingin sa'kin.   "Lasing," Summer said, shooking his head. Parang nanay na na-stress. "They need to go home... hindi na kaya nitong mga 'to."   "I'm fine!" Giit ni Violet.   I almost fell again but Rocket grabbed my waist. I looked up to him. Salubong 'yung ang kilay niya. "Wag mo nga akong hawakan!" I yelled and pushed his chest but it came out lightly dahil sa nanghihina kong mga kamay.   The corner of his lips rose up, ignoring me. "Ako na maghahatid sa kanila, Sum." Sabi ni Rocket na binalingan si Summer. "Gamitin ko na lang 'yung sasakyan mo."   "Um... okay lang naman. Kaya mo pa ba mag-drive?"   Rocket nodded. "Oo naman."   Lumapit si Mark at iniyakap ang isang braso sa beywang ni Violet. "Ako na maghatid sa kanila. I was the one invited them.   Tumango si Rocket at tinapik si Mark sa balikat. "Samahan na kita."   "You take care, guys!" Pahabol ni Summer nang nasa hagdanan na kami.   "Babalik kami," Rocket answered holding my waist.   Pagkalabas ng club, diretso kami kung saan naka-park 'yung kotse ni Mark. Katabi ko sa back seat si Rocket. Sinabi ni Violet ang address ng condo ni Genesis at bumiyahe na kami.   Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata. Sa paggalaw ng sasakyan parang hinahalukay 'yung loob ng tiyan ko. Nasusuka na naman ako. I tried to calm myself down.   Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.   "Iinom hindi naman pala kaya. Tsk tsk." Narinig kong sabi ni Rocket. "Ano nasusuka ka?"   I weakly nodded, still my eyes are closed.   "Pre, itabi mo muna sa isang gilid nasusuka daw 'to." He said with concern.   Itinabi ni Mark sa gilid ng kalsada ang sasakyan namin. Mabuti madaling araw na, wala nang katao-katao. Rocket open the door beside me. Kaagad kong inilabas ang ulo ko at sumuka.   Accck! Acccck! Acccck!   "Sige, inom lang. Inom pa." Inipon ni Rocket ang buhok ko sa isang kamay niya habang hinahagod ang likod nung isa pa niyang kamay. "Hindi naman pala kaya, iinom ng marami," akala mo tatay na pangangaral niya sa'kin.   Nang feeling ko ubos na ang suka ko. Dumiretso ako ng upo at hinampas ang pisngi niya. "Ano ba! Lalo akong nasusuka, e!" I yelled like a kid.   "Nasampal pa nga." Sinara ni Rocket ang pintuan sa tabi ko at sinabihan si Mark na paandarin na uli ang sasakyan.   "I want to sleep!" Maktol ko, habang kinakamot ang pisngi ko.   "Halika muna rito!" hinila niya ako. He held my chin and squeezed my cheek. Pwersahan tuloy akong napanguso. Pinunasan niya ang bibig ko gamit ang panyong dinukot sa bulsa niya. "Ano ka baby!"   "Ewan!" Hinampas ko siya ulit sa dibdib. Hinawi niya yung buhok na sumabog sa mukha ko. "Ang landi mo! Ang landi-landi mo!"   "Anong ginawa ko?" Gulat na tanong niya.   I raised a brow, moving my face away, glaring at him. "Hindi mo alam? Hindi mo alam?!"   "Hindi ko alam," naiiling na sagot niya. "Tsk. Pati make-up mo kumalat na. Sandali nga." He looked for my purse.   Isinandal ko ulit ang ulo ko sa upuan at ipinikit ng mariin ang mata ko. Hindi niya alam?! Ang galing! Ang galing, mag-maang maangan! Ugh! I hate this man!   I flinched when I felt something cold over my eyelids. I tried to open my eyes pero pinagalitan niya ako.   "Teka! mukha ka nang nabugbog diyan sa mata mong kulay itim." He said while wiping the mascara off of my eyes. "Bakit pa kasi naglalagay pa ng ganito, hindi naman maganda!"   Tuluyan ko ng minulat ang mata ko at tinitigan siya ng masama. "Palagi mo na lang ako sinasabihan panget!"   His brow furrowed in confusion. "Kailan kita sinabihan ng panget?"   "Kagabi! Sa IG!"   "Hindi ko sinabing panget ka. Ang panget yung damit mo," pormal na sabi niya.   "Tapos ngayon yung make up ko naman ang panget. Oo na panget na ako!" I said angrily, ignoring him.   "Wala ako sinabing panget ang make up mo... sabi ko lang makalat." He sighed, continued wiping my make up off.   "Ganoon na rin 'yon!" I pushed his hand and looked away. "Sorry, huh? Sorry I'm not like her! Hindi ako matangkad! 'Yung boobs ko pang baby bra lang! Hindi ako long hair! Virgin pa ako!"   I heard him sighed heavily. He tried to touched my elbow, but I nudge his hand away. "Sorry... Sorry kung na-o-offend kita sa mga sinasabi ko."   Hindi na ako sumagot. Ayoko na ibuka ang bibig ko. I dont wanna say things that I might regret later. But the f*****g effect of the alcohol makes me want to say everything. Lumalakas 'yung loob!   Wala nang nagsalita sa'min. Itutulog ko na lang ito. Namimigat na rin ang talukap ng mata ko. Napapapikit na ako nang bigla mag-preno si Mark, sa lakas nasubsob ako sa likuran ng shutgon seat.   "Tangina nung sasakyan sa unahan natin! Nag-preno bigla." Galit na sabi ni Mark. "Okay lang kayo diyan?"   Tumango si Rocket na kaagad umisod sa tabi ko. "Uy... okay ka lang?"   "I'm fine!" Hinawi ko ang kamay niya at inirapan siya. Isasandal ko na sana ulit ang ulo ko sa upuan nang hilahin niya ako.   He put his arm around my shoulder. "Dito ka na lang. Sorry na bati na tayo." He whispered.   I coudn't move. I bit my lower lip as I smell his natural manly scent killing my nosetrils. The warmth of his body against me was comforting, calming my senses. My eyes automatically shut down as I laid my head against his chest. His body relaxes, he wrapped his arms around me in a protective manner, I feel secured with him.   Tumingala ako sa kaniya, nakatitig siya sa'kin. I looked on his lips before my gaze went back to his eyes. His eyes became darker, his jaw tightened like he saw something with my expression that I'm not aware off.   His hand on my waist went up to my neck, holding me in place. Ipinikit ko ang mga mata ko at iniawang ang labi. Waiting... waiting... but it didn't came. I opened my eyes when I heard him muttered a curse.   "W-What's wrong?" I asked in confusion.   "Wala." Umiling siya at tipid na ngumiti saka dumiretso ng upo. Nasundan ko ng tingin yung kamay niyang unti-unting bumaba ulit sa betwang ko.   I thought he was going to kiss me... I laughed at myself for being naive. Bakit naman niya ako hahalikan? He was kissing other girl earlier! Much prettier than me! Way hotter! And more experienced in any sense!   Something ignite inside of me again. I Immediately pushed him away.   "Friday-" he sighed heavily.   "Stop leading me on. I'm not that stupid." I whispered, looking away.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD