The only guy I'll get crazy Gulat ang mukha ni Stolich dahil sa binitiwan kong salita. Tumalikod na ako at tumakbo palabas. Ngayon wala nang hadlang sa kanila ni Francine. Yan naman ang gusto nila eh. Yan yung gusto nila! Edi ibibigay ko. Nakakapagod nang makipagkompetensya sa isang babae. Nakakapagod na yung parati nalang may Francine sa gitna. Nakakapagod na. Hindi ako ang magiging hadlang sa kanila, I'll leave freely. Sa kanya na si Stolich. Pagkatapos ng ginawa niya sakin hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. Walang hesitasyon akong lumabas ng gate kahit naririnig ko ang pagtawag nila sakin. At dahil wala pang taxi na dumadaan ay nilakad ko nalang iyon makalabas lang sa subdivision na 'to. "Lisanna!" Mas binilisan ko ang paglalakad ko na halos tumakbo na ako hindi niya lang a

