Takot ako Pumangalumbaba ako dito sa upuan ko. Nakakatamad ang araw na 'to. May period rin kasi ako eh. Hindi naman namin kaklase si Kolette pero itong si Phoebe kahit may pinagsusulat sa notes niya at nakikinig naman pakiramdam ko wala parin sa sarili. Paano kung yung si Kolette katulad ni Francine? Eh wala itong kalaban laban. Ang bait nito. Ang sarap putulan ng pakpak eh. Okay lang sana kung yung lovelife niya katulad ng sa kapatid niya. At yung lalake ay katulad ni kuya Sylver. Na kahit matabas ang dila at prangka alam mo namang ikaw lang ang mahal. Ni hindi yun marunong mambabae kahit noong highschool pa lang sila. Kaso itong si Seth demonyo eh. Nasobrahan ang kasamaan sa balat. Iniwan na nga si Phoebe tapos bumalik pa ditong may dalang babae. Ang kapal talaga ng mukha. Wala akong al

