Runs in our blood Dilat na dilat parin ang mga mata ko habang tinatakpan niya parin ang bunganga ko. Nakatingin ako sa mukha niyang nakahoodie kaya napagkamalan kong hold-up o r****t. Bigla nalang kasing nanghihigit! Eh kung sinabi niya saking siya si Stolich sasama naman ako ng matiwasay! Kung pwedeng isuko ko lahat ng pera ko sa kanya at ako pa mismo ang maghubad ng damit ko! Pero syempre biro lang 'yon dahil inaatake lang talaga ako ng kalandian ko sa oras na 'to. Napabuntong siya ng hininga at ibinalik sakin ang tingin niya. Ibinaba niya ang kamay niya. Seryoso ang tingin niya sakin. Pati sa pizza ko ay sinulyapan niya rin. Nang makabawi ako sa pagkagulat ay tumikhim rin ako. Ikinalma ko ang mukha ko. Masyado akong nacarried away sa kagwapuhan niya eh. Buti naman at hindi niya kas

