Francine "Sige na Phoeb, please. Ayaw mo niyan. Tayong dalawa yung model. Para naman may diversion ka at hindi mo maisip si Seth. Pretty please." Nagpacute ako ng todo sa bestfriend ko dito sa Mall. Ilang taon ko na ba siyang kinukumbinsi sa bagay na 'to? "No, Yui. That's not my field. Modeling isn't my field. Hindi ako bagay." Sumimangot ako. At ilang taon niya narin ba akong tinatanggihan? Naghahanap kasi yung agency ko ng isa pang model. Tapos ngayon na summer na naman ay desperada na naman akong kumbinsihin si Phoebe. Kailangan ko na siyang mapapayag! Nangako na ako sa manager ko na ngayong summer ay may maipapakilala na ako sa kanilang new model. "C'mon. Bakit ba ayaw mo? Sabi ng manager ko bagay ka daw magmodel. Magkasing tangkad lang tayo Phoeb! Para naman mapakinabangan mo yang

