Stubborn as f**k Pumunta nga kami sa gymnasium kung saan nagaganap ang practice ng cheerdancing. Nasa harap nalang ang tingin ko habang nakabusangot itong mukha ko. Laman ng utak ko si Seth at Kolette. Naaawa ako dito kay Phoebe na nagpapanggap na okay lang daw siya kahit di naman. Tss. Pagpasok namin doon ay natigil ang kanilang practice at napalingon silang lahat dito sa dako ko. Kita ko ang mga kumikislap na mga mata ng estudyanteng hindi alam kung saan ipopokus ang tingin sa isa isa kong mga pinsan. May mga asawa na 'to! Kung makatingin kayong lahat! Tss. Sa maraming estudyante na 'yon nagtagpo ang mga mata namin. Umakyat agad ang galit sa sistema ko at nagtungo sa ulo ko. Galit ako sa babaeng ito na halatang titig na titig sa mga pinsan ko kanina pero nalipat rin sa akin dahil s

