Baby Wala akong ginawa ng 1week na walang pasok kundi magmukmok sa kwarto ko. Gabi gabi nagtatawagan kami ni Phoebe. Bukambibig niya 'yong date nila ni Stolich kaya minsan ay sinasabi ko nalang na inaantok na ako kaya natatapos rin yung pag-uusap naming dalawa. Ayoko yung marinig. Ayaw ng tenga ko. Si Stolich ilang araw na akong binabaha ng text pero hindi ko siya magawang replayan. Ni hindi ko magawang sagutin ang tawag niya. Ba't ba ang kulit ng dyablo na 'to? "Di ka ata lumalabas dito sa kwarto mo. May sakit ka ba Yui?" Hinipo ni Kuya ang noo ko. Inilapag niya naman sa bedside table ko yung gatas na dala niya. Umupo siya sa kama ko lalo na't nakasandal lang ako sa headboard ng kama ko. Wala ako sa mood. "Wala naman po kuya." Matamlay kong sabi. "Hala, ang bait mo atang pakingga

