Kiss Pagdating ko sa classroom ay napangiti agad ako nang makita ko doon si Phoebe. Tahimik lang ito at nakayuko. Naglakad ako papalapit sa kanya. "Good Morning." Nakangiti kong sabi. "G-Good Morning." Nahihiya niyang sagot. Umupo ako sa tabi niya. Sinisilip ko ang mukha niya pero yumuyuko siya lalo. Idinampi ko ang mukha ko sa magkabila niyang pisngi at iniharap sa akin ng buo. Tinitigan ko ang mukha niya. Gulat naman ang hitsura niya dahil sa ginawa ko. Mabait siyang tingnan. Halata rin naman sa mga ikinikilos niya eh. Ang ipinagtataka ko lang ba't parang kilalang kilala siya ni lola. Ay ewan. Transferee kasi kaya siguro si lola ang nag-asikaso ng pagtransfer sa kanya dito lalo na't estudyante narin siya dito. 'Tsaka gusto pa niyang itabi sakin ibig sabihin ay kinilatis na ng

