Kuya Sylver Ilang sandali lang ay si Phoebe naman ang pumasok sa classroom. Kapansin pansin ang pamumula ng pisngi niya. Hindi naman siya nilalagnat. Ba't kaya? Hindi kaya nagbablush on siya? "Your cheeks are red again. Nagmimake-up ka ba?" Tiningnan ko ng maigi ang pisngi niya pero wala namang bakas ng powder eh. "H-Hindi. Ano kasi, nakasalubong ko si Stolich. Nginitian niya ako tapos nag Good Morning siya. Ang good mood niya." Mahina niyang sabi. Napaisip ako. Pinapamulahan rin naman ako ng pisngi kay Stolich minsan. Pero dahil iyon sa pagkainis ko sa kanya! Dahil iyon sa galit kaya ako namumula! "Dyablo 'yon Phoebe. Mag-ingat ka. Kakainin ka nun." Nagkatinginan kami ni Phoebe sandali saka rin kami humagalpak ng tawa. Nagawa pa naming mag-apir sa isa't isa. "Oo nga pala Yui.

