Ang muling bonding kasama ang tunay na kaibigan.

1463 Words
Simula ng araw na pagkikita nila ni Nathaniel ay lagi na siyang tinutukso ng mga kaibigan nya.Hinahayaan niya ang mga ito,pero pinilit nyang sumumpa ang mga ito, na huwag na huwag babanggitin ang bagay na yun sa harap ng mga kakilala nila at sa magulang nya.Pumayag naman ang mga ito,pero hindi tumigil sa kakatanung kung paano sila nagkita. Dahil trusted friends nya ang mga ito, sinabi na lang nya ang nangyari para tigilan na siya sa kakatanong.Lumipas ang mga araw at sa wakas ay exams na nila.Simula rin ng araw na yun ay madalang na rin ang pagtext ng binata.Kahit namimimiss na nya itong makita ay hindi siya nagpaapekto. Minsan nadidistrak na rin siya at nagsimula lang naman ang mga iyon after they've meet .Pero ginagawa nya ang lahat ng makakaya para hindi n'ya ma isip ito, nang makapagpukos siya sa kanyang pagrereview.Ngayon na nga ang araw na pinakahihintay nilang magkakaibigan.Busy na sila sa kanilang exams, kaya skol at bahay lang ang rotation ng kanyang buhay. Weekend na at sa wakas ay natapos din ang kanilang exam.Apat na araw ang ginugol nila kaya hindi sila masyadong nagkakasama ng mga kaibigan nya. "Bruha,overnight tayo sa bahay nina Nica"?si Chimmy yun habang papalapit sa kanya. Nakaupo siya sa waiting shed sa loob mismo ng kanilang kampos,katatapos lang ng exams nila nang hapon na yun at medyo maaga silang natapos. Tapos naman na ang exam natin kaya bonding muna tayo,matagal tagal na rin ang huli nating bondings eh" aniya nito,habang tinatabihan siya ng upo. Saglit lang at magpaalam ako kina mama,kung papayag si papa cge pero kung ayaw pacensya na lang"ang sabi nya dto habang hinuhugot ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Tsk"purke may man of your life kana'-- hindi na natapos ni Chimmy ang sasaihin dahil biglang tinakpan ni Jazen ang bibig nito. Ano ba"! ang asim ng kamay mo,ano bang hinawakan mo at ganyan ang lasa ang teklamo nito habang tinatanggal ang palad nya, pweee!pwee!"ang dura nito pagkatapos maalis ang nakatakip sa kanyang bibig. Yan ang lasa kapag kagagaling sa banyo"ang sagot ni Jazen. Pilit pinipigilan na mapabunghalit dahil sa reaksyon ng kaibigan. Yuck ka naman bruha"!ang reklamo nito.Hindi maipinta ang mukha dahil sa pandidiri. Hindi na nya napigilan pa ang sarili at humalakhak dahil sa itsura nito parang nakakain ng dumi '. Hindi mo manlang masabi ang pagkakaiba ng mga lasa" ang sabi nya. Ay"ako pa ngayon ang sisihin mo bat ka kasi hindi naghugas,"sumbat niya sa kaibigan. Sanitizer lang naman ang linagay ko"maarte ka lang ang resbak naman ni Jazen kay Chimmy. Hoy mga bruha ano ba yang pinagbabangayan ninyo d'yan"? biglang sabat ni Chinny na paparating. Palapit na sila sa dalawang kanina pa nagbabangayan. Ano matutuloy ba ang usapan natin"?ang tanong ni Veronica aka Nica,sa mga kaibigan. Yun nga ang dahilan kaya kami naglalambingan eh"ang sagot ni Chimmy na nakasimangot kaya natawa ang kapatid nito. Ano ba kasing nangyari"? Para maglambingan kayo eh subra subra"ang tanong nito sa kakambal. Dinilaan nya kasi palad ko kaya yun natikman nya ang lasa ng banyo" pang aasar ni Jazen. Ano!!!" ang magkapanabay na tanong ng dalawa dito. Tumahimik ka jan,"dko sinadya na madilaan ang palad mo,kadiri to"ang sagot ni Chimmy. Natawa ang tatlo dahil sa kaartehan ng dalaga. Huwag kayong tumawa,kayo kaya makatikim,singhal pa nya dahil pagtawanan ba naman siya ng mga ito. Ang sabi ko kasi sanitizer lang eh'ayaw mo naman kasing maniwala kaya bahala ka.Ang sabi ni Jazen na pinupunasan na ang kamay ng wipes. Ayan wala na,para maniwala ka yan oh"ang sabi sabay abot dito ng sanitizer gel na hinuhot mula sa bulsa ng kanyang bag. oh siya tama na yan",mamaya na kayo magdebate. Ang mabuti pa tawagan mo na sina Aunty at uncle, para makauwi na tayo. hahanapin pa ako sa bahay kapag late tayo, mas mabuting maaga tayo.Kasi tayo ang magluluto ng hapunan natin"ang sabi ni Nica sa mga ito,kaya naman naexcite ang magkambal. Sige sandali lang mayamaya nandito na rin naman si papa ang sabi n'ya sa mga kaibigan.Nagdial siya ng numero at nag ring sa kabila, sinagot ito ng kanyang ama. Hello"? ang sagot ng ama. Hello,Papa makikitulog ako ngayon sa bahay ng mga kaibigan ko"ang paalam nya dto.,pakidalhan po ako ng pamalit ko kung maari lang. Cge anak sasabihin ko sa mama mo para maihanda nya bago ako pupunta diyan. Bakit kasi hindi mo na lang dinala kaninang umaga?. "Misis,pakihanda nga ang mga gamit ng anak mo.Hindi siya uuwi ngayon," dinig na dinig nya pa ito sa kabilang linya. Napangiti siya dahil sa ama,ang lumanay ng boses nito habang kinakausap ang kanyang ina. Ngayon lang po kasi nila napag usapan kaya kanila lang din nila nasabi sa akin"ang paliwanag nya naman. Oh siya,hintayin nyo ako sa kung saan kayo ngayon.Ako na susundo sa inyo. Salamat po papa,ingat sa pagmamaneho nyo ang sagot nya rito. Walang anuman yon anak ,sige na at magmamaneho pa ako" ang paalam nito sa kanya sa kabila linya. Ah'!okey po papa.ang sabi sabay call off at ibinulsa ang cellphone. Hintayin muna natin sya dito.Maya maya din andiyan na yun. Mabuti pa nga,ang magkakapanabay na sabi ng mga kaibigan.Nag hintay sila ng mga bainte minutos at hindi nga nagtagal ay papalapit na ang kotse ng ama.Nang tumigil ang kotse sa malapit sa kanila ay ibinaba ni Mang Conrad ang salamin ng sasakyan saka sila kinausap. Halina na kayo at nang maihatid ko kayo,aya niya sa mga dalagang kaibigan kasama ng kanyang mahal na anak. Bumaba siya at binuksan ang pinto para sa mga ito.Habang hinihintay na kumilos ang mga ito ay binilinan ang mga ito. Anak huwag kayo masyado magpupuyat ha'matulog kayo ng maaga,Bilin niya. Opo papa",ang sagot ng dalaga sa ama.Ako na maghahatid sa inyo sa pupontahan ninyo.Ang sabi nito at humawak sa pinto ng sasakyan. Yehey"tito salamat po ang sagot ng magkamabal. Walang anuman mga iha,sige na at saka ako uuwi.Gusto ko lang makasiguro na makakauwi kayo ng ligtas. Tara na"aya ni Jazen at sumakay na sa sasakyan.Siya ang umupo sa harap katabi ng driver seat at sa backseat naman ang mga kaibigan. Pagkasakay nga nila at makaupo ng maayos ay pinatakbo ng kanyang ama ang sasakyan nila. Pabalik sa bandang pinangalingan ng kanyang ama ang tinatahak nila saka ito lumiko pakanan.Duon ang banda kung saan ang bahay nila Veronica. Pagdating sa bahay ng mga ito ay bumukas ang pintuan kung saan lumabas ang ina ng dalaga. Oh kayo pala,akala ko kung sino ang dumating. Ah"hinatid ko na sila para mas madali at mas safe silang makauwi,ang sagot ng Ama ni Jazen sa sinabi ng Ginang. Mabuti nga at hinatid mo sila kung hindi baka hanggang ngayon nasa daan pa ang mga ito"ang sagot naman ng ina ni Nica na si Aling Carol. Oo nga pala so,ikaw ang ama nitong si Jazen'?ang sabi ng ginang sa tunong patanong. Oo pacensya na kung ngayon ko lang naihatid ang mga ito,Ngayon lang din ako may sapat na oras para makauwi ng mas maaga. Ay"walang anuman,salamat sa paghatid sa kanila iwas narin sa maaring masamang mangyari. Oo nga eh,kaya nga kung maari ayaw ko gumagala ito,ang sabi sabay tingin sa anak na tahimik lang.Cge pakipasensyahan yan baka kasi gumawa ng kapilyuhan ang sabi nito. Papa"! Ang saway nya sa ama ngunit tumawa lang ito ng mahina. Cge na anak maiwan ko na kayo,ang sabi sabay buhay sa sasakyan lumingon sa ginang at nagpaalam at pasalamat bago unti unti pinausad. Ingat papa/uncle "salamat po,sabay sabay nilang sabi.Itinaas nito ang kamay at kumaway ng pamamaalam.Hindi sila pumasok hanggang sa mawala ito sa paningin nila. Pagkatapos nilang magbihis ng pambahay,lumabas na silang tatlo sa kwarto at naunang nagpunta ng sala.Nasa banyo pa kasi ang kaibigan nilang si Veronica.Paglabas nito at tinawag na sila para magluto ng hapunan nila,ang mama naman nito ay may pinuntahan saglit. Pagkapasok kasi nila ay nagpaalam sa kanila ang ina nito at sinabi na baka gagabihin,at huwag na siyang hintayin. Pagkatapos nilang magluto ng hapunan. nag early dinner sila saka sila nagbabad sa sala, naglaro sila ng baraha at truth or dare.Sinamantala nila ang pagkakataon na yun para mag enjoy kasi di nila alam pagkatapos ng graduation nila.Nagkwentohan din sila at nag usap ng kung ano anong topic lang hanggang sa dumating ang oras nga sila ay magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD