Chapter 63 Julie Ann Magaan ang pakiramdam ko pagdilat ko kinabukasan. Iba ‘yung amoy na sumalubong sa akin hindi putik, hindi gamot, kundi sabon at bagong timplang kape. Mula sa bahagyang awang ng pinto, may liwanag ng araw na pumapasok. Hindi masakit sa mata. Sakto lang para sa bagong gising. Napatingin ako sa gilid ng kama. Wala si Mark. Pero hindi ito katulad ng dati, na kapag wala siya, parang may inalis sa akin. Ngayon, pakiramdam ko, may ginagawa lang siya sa labas tulad ng nakaraan. Nasa tabi ng kama, may nakapatong na maliit na bungkos ng ligaw na rosas. Hindi mamahalin, hindi nakabalot ng ribbon. Pero may effort. May damdamin. Napangiti ako. Pati ang mga ligaw na bulaklak, nadadala niya sa umaga ko. “Gising ka na pala,” narinig kong sabi niya mula sa may pintuan. Nilingo

