Chapter 57 Julie Ann Tahimik ang gabi, pero ang dibdib ko, parang may party. Hindi ‘yung masayang handaan, kundi ‘yung tipo ng kasiyahan na hindi mo alam kung para sa’yo ba talaga o mapapagod ka lang sa bandang huli. Narito si Mark, sa sa bahay. Hindi ko alam kung paano siya nakumbinsing tumuloy. Siguro dahil pagod na rin ako sa pagtutulak sa kanya palayo. O baka dahil, kahit paano, gusto ko ring malaman kung hanggang saan ang kaya niyang gawin… para sa’kin. Para sa amin ng anak namin. Nakaupo siya maliit na kutson na galing sa suv niya. Sa may sala siya lumatag ng mahigaan niya. May tuwalya siya sa balikat, habang ako naman nakasandal sa sa gilid ng pintuan sa silid ko, tahimik na pinagmamasdan siya. May bitbit siyang maliit na bag na mukhang pinuno ng kung anu-anong gamit. Hindi niya

