Episode 46

2180 Words

Chapter 46 Mark Walang mas mahirap sa mundo kundi ang hanapin ang taong ayaw nang magpakita. Dalawang buwan na. Dalawang buwang gising ako halos gabi-gabi, nagbabakasakaling may tawag, may text, o kahit anong clue kung nasaan siya. Pero wala. Si Julie? Parang naglaho. Parang nagdesisyong mawala sa buong mundo—at lalo na sa buhay ko. Nasa veranda ako, hawak ang cellphone, pero wala namang dahilan para hawakan ko ‘to. Nakatingin lang ako sa screen. Walang tumatawag. Walang mensahe. Wala. Lumapit si Mommy, may dalang kape at custard bun. “Magkape ka muna,” sabi niya, sabay upo sa tabi ko. “Hindi ka na naman kumain.” “Wala akong gana,” sagot ko. Tinutok ko lang ang tingin sa kalsada, sa kawalan. “Lalo na’t wala naman si Julie.” Tahimik siya. Ilang saglit. Tapos, “Hanggang kailan, Mark?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD