Chapter 21 Julie Ann Sumapit ang gabi kumain na kami ni Lola. Tudo pasalamat ako dahil hindi nakabalik si Mark. Panay naman ang reklamo ng matanda. "Tingnan mo hindi bumalik ang apo ko. Talagang hindi niya na ako mahal at hindi na ako mahalaga sa kanya porket malaki na siya," sabi ni Lola sa akin. Nagtatampo na naman siya kay Mark dahil hindi pa ito nakabalik. Nag-bake pa naman siya ng tinapay para ibigay sa mokong na iyon. Kung ano ang lungkot na nararamdaman ni Lola dahil sa hindi pagbalik ni Mark, ay ganoon din ang saya na aking nararamdaman. Sana nga hindi na lang muna bumalik iyon dito. "Hayaan niyo na po, Lola. Siguro pinuntahan niya ang girlfriend niya," sabi ko kay Lola. "Mabuti pa nga ang girlfriend niyang iyon marami siyang panahon at oras. Samantalang sa akin wala na

