Chapter 24 Julie Ann Agad akong nakatulog paglapat pa lang ng katawan ko sa kama. Bagsak talaga ako. Para akong lantang gulay na nawalan ng lakas. Pagod ang isip at katawan ko lalo na ang puso ko. Nagising ako nang gisingin ako ni Mark. "Gising na kakain na tayo,'' sabi nito sa akin. Subalit ang sakita talaga ng kaso-kasohan ko na para bang lalagnatin ako. Pakiramdam ko nga may sinat ako. Ang sakit pa ng ulo ko. Tumagilid lang ako ng higa at hindi ako bumangon. Gusto ko lang mahiga. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. "Bumangon ka na. Naghihintay na si Lola,'' sabi ni Mark sa akin. "Wala akong gana kumain. Kayo na lang ni Lola ang kumain,'' mahina kong sabi sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay niya na dumampi sa noo ko at dinampi niya rin iyon sa leeg ko. "May lagnat ka. Mainit ang kata

