CHAPTER 117

1735 Words

Ilang araw nang hindi mapakali si Valorous. Pakiramdam niya ay napag-iiwanan na siya. Simula nang aminin nila Bruno at Jackie ang relasyon ng mga ito ay siya naman ang hindi mapanatag. Sila kaya ni Selena? Kailan kaya aayon ang panahon at tadhana sa kanila? Ayaw niyang sumuko kahit ang totoo ay nakakaramdam na rin siya ng pagod. Napabuntong-hininga siya. Nandito na naman siya ngayon sa eskwelahan na pinagtuturuan ni Selena. Katulad ng dati ay may bitbit na naman siyang bulaklak. Hindi siya mapapagod na suyuin ito araw-araw. Ganoon niya kamahal si Selena. Pumasok siya sa loob ng gate matapos siyang papasukin ng guard. Naglakad siya at napahinto sa gym nang matanaw niya roon si Selena. May kausap itong lalaki. Masaya at nagtatawanan ang mga ito. Halatang guro din sa eskwelahang ito ang la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD