*SELENA's POV* "Mom!" sigaw ko kay Mommy nang marinig ko ang pinag-uusapan nila ni Val. Bakit sinasabi ni Mommy kay Val ang bagay na iyon? Nakakahiya! "Why? What's wrong?" tanong sakin ni Mommy. Nakababa na ako ng hagdanan at naabutan ko si Mommy na naihanda na ang pagkain sa lamesa. "H-hindi po siya p'wedeng manligaw. M-may girlfriend na ho si Val," sagot ko kay Mommy para itigil na niya yung pinagsasasabi niya kanina kay Val. Nakakahiya kasi talaga. Tiningnan ko si Val at gulat na gulat siya habang nakatingin sakin. "M-may nobya ka Val?" nagtatakang tanong din ni Mommy kay Val. Bakit parang ayaw nitong maniwala? Palaging may kausap si Val sa cellphone nito at malakas ang kutob ko na nobya nito ang kausap nito. "Wala ho akong nobya," magalang na sagot ni Val kay Mommy. Si Mommy nama

