*MIKE's POV* Masyadong tahimik ang paligid at ito ang nagpapakilabot sa akin. Hindi ko mawari kung bakit tanging huni lamang ng mga kuliglig ang naririnig ng tainga ko. Kamusta na kaya si Jerron? Patay na kaya siya? Ipinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Jerron, hindi ko naman siya gustong iwanan ang kaso ay wala akong nagawa. Kung sana ay nakinig na lang ako sa kaniya noon na baka ikapamahak pa namin ang pagpunta sa bodegang iyon ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Tama pala si Jerron na bahay iyon ni Mrs. Lily. Kapag naaalala ko ang itsura niya ay kinikilabutan ako. Napakalupit niyang babae. Epekto nga ba iyon ng nagawa ko sa anak niya? Bakit hindi na lang nito tanggapin na hindi na babalik si Maria Lisa? Wala na rin akong magagawa da

