*BRUNO's POV*
Luko-luko talaga 'tong sila Mike. Pati si Hunt na hirap sa pagkilos ay hindi pa rin inihahatid sa room namin. Busy kasi si Mike at Jerron sa ginagawang pamboboso sa mga babae dito sa ibaba ng hagdan ng Belmonte Hall.
Halos kinse minutos na rin kaming nandito. Ang aga ko pa naman gumising para sana sumabay kay Selena pero mukhang mas maaga silang nakapasok dahil wala na sila pagkagising namin
May dalang maliit na salamin si Mike at kapag may babaeng dumadaan sa gilid namin paakyat sa hagdanan ay pasimple nyang inilalapit ang salamin sa ilalim ng palda nito para mabosohan ang babae.
Ilang taon na rin kaming magkakaibigan nila Mike at sanay na ako sa kautuan niya. Minsan ay sinusuway ko siya pero mukhang wala na talagang pagbabago ang isang to.
"Ang kinis pare!" tatawa-tawang sabi ni Mike kay Jerron matapos pumanhik sa hagdan ang isang babae. Nakipag-apir pa si Mike kay Jerron habang sagad na sagad ang ngisi.
Si Hunt ay nasa isang sulok lang habang mailap pa rin sa mga tao. Matapos ang nangyari sa kaniya ay hindi ko na nakita ang dating Hunt. Tila nawalan na ng sigla anh buhay nito. Naaawa ako sa kanya pero wala rin akong magawa. Hindi namin alam kung sino ay may gawa sa kanya ng bagay na iyon dahil natatakot din syang sabihin. Parang may iniingatan sya na wag malaman ng mga tao.
"Ihahatid ko na si Hunt sa classroom," sabi ko kay Mike. Tumingin naman sila ni Jerron sakin.
"Teka lang hindi ka ba nag-eenjoy? Mamaya na, ang daming chix na dumadaan eh!" sagot nito sa akin.
"Kayo lang naman ni Jerron ang nag-eenjoy diyan sa ginagawa nyo," sagot ko sa kanila at inalalayan si Hunt na makatayo mula sa pagkakaupo nito. Ihahatid ko na sya sa classroom tutal ay malapit na rin naman ang klase namin.
"Diyan na kayo," sabi ko sa dalawa habang ala-alalay ko si Hunt.
"Okay ka lang ba Hunt?" tanong ko kay Hunt nang lumagpas na kami sa building ng Belmonte Hall. Naglalakad na kami patungo sa classroom namin.
"Oo Bruno, salamat," sagot ni Hunt sakin sa hirap na tinig. Ayaw nyang maiwan sa Bahay-Panuluyan kaya pilit namin syang isinasama para makapasok pa rin sya. Isa pa ay hindi talaga namin sya dapat iwan doon dahil baka mas lalo lang may mangyaring masama sa kaniya. Halata naman na may phobia na sya sa nangyari.
"Oh Bruno, nasaan yung mga kasama mo?" tanong sakin ni Stanley nang makasalubong ko sya. Hindi namin masyadong ka-close ang group of friends nila Selena pero this time ay mabilis akong tinulungan ni Stanley para alalayan din si Hunt.
"Naroon sila Belmonte Hall eh, salamat ah?" sabi ko sa kanya.
Nakarating kami sa loob ng classroom at naroon na nga sila Selena. Maingat naming inupo si Hunt sa upuan nito.
"Salamat pare," sabi ko ulit kay Stanley. Tumango lang siya sakin at mabilis na nagtungo sa mga kaibigan niya. Sinulyapan ko si Selena na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Naaawa ako doon sa isang babae na kasama nila dahil namatay ang nobyo nitong si Klint. Tulala ito at hindi na makausap ng maayos.
Ano kaya ang nangyari at pinatay si Klint?
Ilang araw na rin kami sa Sahara pero aaminin kong kinakabahan din ako sa mga nangyayari. Paano kung isang araw ay ako naman ang mamatay? Wag naman sana. Hindi pa nga ako nakakapangligaw kay Selena. Matindi talaga ang paghangang nararamdaman ko sa kaniya simula pa lang noong unang araw na nakita ko sya. Ewan ko ba, pero parang tinamaan ni kupido ang puso ko ng ganoon lang kabilis.
Nakita kong may sinasabi si Jacke kay Selena habang nakatingin sakin, ilang sandali pa ay lumingon sakin si Selena. Ngumiti ako sa kanya.
Shit! Ang ganda talaga men!
Ang mukha ni Selena ay yung tipong hindi nakakasawa at habang tinititigan mo ay lalong gumaganda.
Kumindat ako sa kaniya at nakita kong mabilis syang nag-iwas ng tingin sakin.
Iyon nga lang. Mukhang wala akong pag-asa sa babaeng ito dahil mailap sya sakin.
Hindi ko alam kung natatakot ba sya sakin or what? Mukha lang akong masamang tao or barumbado dahil sa dami ng marka ko sa katawan but that doesn't mean na ganoon na talaga ang ugali ko. Tapat akong magmahal sa lahat ng mga naging exes ko. Wala akong niloko ni isa man sa kanila at nirerespeto ko silang lahat.
I saw Valorous Grant enter the room. As usual may pagkawirdo ang isang 'to. Masyadong seryoso ang dating niya at palagi syang may hawak na libro.
Selena look at him, ewan ko pero naiinggit ako sa paraan ng pagtingin ni Selena palagi kay Valorous. Parang may something eh.
Sana ganoon din ako tingnan ni Selena.
Lumapit ako sa puwesto nila at tinanong sila tungkol sa pagkamatay ni Klint. Agad naman akong binawal ni Trinity. Sumenyas sya sakin na hinaan ko raw ang boses ko kaya naman agad akong natahimik. Narealize ko na hindi pa nila pinapaalam sa nobya nito ang tungkol sa pagkawala ni Klint. Kawawa naman si Elisha.
"Wala pa rin syang alam?" tanong ko sa kanila. Malungkot na tumango si Trinity at ganoon din si Jackie.
"Ayaw namin na mas lalong lumala ang kalagayan niya," sagot ni Stanley.
Kunsabagay ay may punto naman siya. Baka nga mas lalo lang lumala ang kalagayan ni Elisha kapag nalaman nitong patay na ang nobyo nito at hindi na babalik kailanman. Nakaramdam ako ng awa para sa babae.
"Anong plano nyo? May alam na ba kayo kung sino ang gumawa niyon sa kaniya?" mahinang sambit ko.
Sabay-sabay na umiling ang mga ito sa akin.
"Wala pa rin kaming alam sa kung sino ang gumawa niyon. Kayo ba? Nagsalita na ba si Hunt tungkol sa kung sino ang gumawa niyon sa kanya? Siguradong iisang tao lang naman ang may gawa ng lahat ng ito," sabi ni Jackie.
"Hindi pa rin nagsasalita si Hunt eh," sagot ko sa kanila. Ayaw ko naman na pilitin si Hunt dahil naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan niya.
"Baka naman yung multo na nakikita ni Selena ang gumagawa nito?" sabi ni Lucas.
"Come on Lucas, after all what happened naiisip mo pa rin ba na kaluluwa ang may gawa nito? Walang multo na kayang pumatay ng tao!" agad na kontra ni Stanley sa sinabi ni Lucas.
"Eh paano mo maipapaliwanag yung babaeng nakikita ni Elisha? Hindi naman imposible na siya ang pumapatay, multo yun eh!" katwiran ni Lucas. Bumuntong-hininga si Stanley at umiling-iling.
"Basta ako hindi ako naniniwala na multo ang may gawa ng lahat ng ito. That's billshit!" ani Stanley.
"Wag na tayong magtalo-talo pa, wala naman kapupuntahan iyon eh. Ang importante ay makahanap na tayo ng impormasyon tungkol sa nangyayaring p*****n," sabi ni Jackie.
"Hanggang kailan ba tayo maghahanap Jackie? Until now wala pa rin tayong nakukuhang malinaw na impormasyon at kung meron man, tingin nyo ba ay kakayanin natin kung sino man ang gumagawa ng lahat ng ito? Matatakasan ba natin ang kamatayan?" ani Trinity.
Ilang sandaling katahimikan bago nagsalita si Valorous.
"Kakayanin nating lahat basta magtutulong-tulong tayo at sama-sama," wika nya. Napatango na lang ako sa kaniya.
"Wala namang imposible. Malalagpasan din nating lahat 'to," sabi ko sa kanila. Tumango naman sila kaya tumalikod na rin ako papunta kay Hunt. Wala pa rin sila Mike, mukhang ang-eenjoy ang mga loko sa ginagawang pamboboso.
Wala pa rin kaming teacher kaya maingay ang paligid. Atfer ng halos higit sampung minuto ay nakita ko na sila Mike at Jerron mula sa bintana ng classroom namin. Naglalakad na ang mga ito pabalik sa room.
Pansin ko na nakatingin din sa Lucas sa mga ito. Oo nga pala at may nangyaring eksena kahapon sa pagitan ng ex nilang dalawa.
Hindi ko alam kung naayos na ni Mike ang issue nila ni Ma'am Barromeo. Hindi ko nga din alam na nobya pala ni Mike ang teacher namin na iyon. Kaya pala may kakaiba palagi sa mga tinginan nilang dalawa. Ang sabi samin ni Mike ay hindi na nya hinabol pa si Xyla, ibig sabihin ay sila ni Ma'am Barromeo ang nanatiling magkasintahan. Ibang klase din talaga si Mike, matapos itong piliin ni Xyla over Lucas ay nagawa pa din na lokohin ni Mike si Xyla. Kunsabagay ay wala naman akong magagawa dahil pare-pareho naman silang may pagkakamali at masasabi kong naging biktima si Lucas dahil naiwan ito sa ere na mag-isa noon gayong mahal na mahal nito si Xyla. Ayokong isipin na karma ni Xyla kung ano man ang nangyari sa kaniya ngayon pero parang ganoon na nga talaga.
"Ang tagal nyo ha? Mukhang nag-enjoy ng husto?" sabi ko kila Mike nang makalapit na sila samin. Ibinaba nila ni Jerron ang bag nila sa upuan nila. Nilingon ng mga ito ang kumpulan nila Selena kung saan nag-uusap-usap pa rin ang mga ito. Nakita kong nagkatitigan si Mike at Lucas.
Pakiramdam ko ay nagsusuntukan na sila sa isip nila.
"Anong problema ng isang 'yon?" tanong sakin ni Mike, si Lucas ang itinutukoy nito dahil masama pa rin ang tingin nito kay Mike.
"Nakuha mo pang magtanong? Malamang nalaman na nya yung nangyari kahapon," sagot ko naman kay Mike.
"And so what? Ganoon ba sya kaapektado? Mahal pa rin nya si Xyla? Good for them, magsama na lang sila ulit," sabi pa ni Mike.
Napailing na lang ako sa kaniya.
"Hindi mo man lang ba pinagsisisihan ang mga ginawa mo?" tanong ko sa kaniya. Medyo malayo naman ang kumpulan nila Lucas sa pwesto namin kaya sigurado akong hindi nila naririnig ang usapan namin.
"Anong pinagsisisihan? Bro alam mong palipas oras ko lang si Xyla. Umaasa ba sya na pipiliin ko sya over Klarissa?" sagot ni Mike sakin.
"Pambihira ka talaga Mike. Tigilan mo na yang gawain mo na 'yan," sabi ko sa kanya. Nalukot naman ang noo nya dahil sa sinabi ko.
"Tigilan? Bakit? Kailan ka pa naging concerned kay Xyla?"
"Hindi ako concerned sa kaniya, isipin mo babae pa rin sya at niloko mo sya. Pinagsabay mo sila ni Ma'am Barromeo. Saka hindi ka ba natatakot na malaman ng Principal natin yung tungkol sa relasyon nyo?"
"Ano ka ba naman Bruno? Tingin mo ba may rule rule pa dito sa eskwelahan na 'to? Nagkakamatayan na nga yung mga estudyante dito eh. Wala na kong pakialam kung malaman man nila ang tungkol samin ni Klarissa," walang takot na sagot sakin ni Mike.
"Ikaw ang bahala Mike basta ako binalaan na kita,"
"Tsk! Inom ka kasi ng inom ng kape kaya ka kabado palagi," pang-aalaska pa sakin ni Mike.
Dumukot naman ng yosi si Jerron at nagsindi ito ng sigarilyo kahit nasa loob kami ng classroom.
Dahil sa usok niyon ay agad na nagtinginan sila Selena sa pwesto namin.
"Ano ba yan bakit ba kayo nagyoyosi sa room? Ang baho-baho ng usok eh!" reklamo ni Trinity. Pasaway talaga tong si Jerron, buti nga sa kaniya. Masungit pa naman ang pinsan ni Mike na si Trinity.
"Oops! Sorry ladies!" kakamot-kamot sa batok na sabi ni Jerron at kapagkuwan ay lumabas na ito ng classroom namin upang sa labas ituloy ang paninigarilyo.
Mukhang wala ng pakialam ang mga kasama ko kung ano man ang kahihinatnan naming lahat sa lugar na ito.
"Hindi ba kayo natatakot na baka isang araw ay isa naman satin ang matuluyan na?" pag-iiba ko ng usapan.
"Kita mo nerbiyoso ka na naman! Nakahanda na kong mamatay Bruno," nakangisi pa na wika sakin ni Mike.
"Psh! Bahala ka nga!" inis na wika ko sa kaniya. Mukhang hindi naman kasi nya siniseryoso ang mga sinasabi ko. Nagsasayang lang ako ng laway sa kanya.
Lumabas ako ng classroom upang humingi ng sigarilyo kay Jerron. Mukhang kailangan ko din ng usok ngayon.
"Bro, meron ka pang yosi?"
"Meron pa. Paubos na nga eh. Tingin mo saan kaya tayo makakuha ng yosi pag nagkataon? Wala namang mga tindahan dito," sagot sakin ni Jerron at inabot ang isang stick ng yosi sakin.
"Hindi ko din alam," sagot ko sa kaniya at sabay kaming nagpakawala ng usok habang nakatayo sa labas ng classroom namin.