*BRUNO's POV* Ang tagal naman ng pinsan ko. Ang sabi ko sa kaniya ay dito kami magkita sa tapat ng coffee shop malapit dito sa lugar namin. May iaabot lang ako sa kaniya na mga papeles tungkol doon sa isang lalaki na pinaimbestigahan niya sakin. Nasaan na kaya yun? Napalingon ako sa loob ng coffee shop at nagulat pa ako nang makita ko si Jackie. May kasama itong babae at kilalang-kilala ko agad kung sino ang babaeng iyon. Tindig palang nito ay hindi pwedeng hindi ko makilala. "Selena?" sambit ko habang nakatingin sa loob. Kumaway agad sakin si Jackie dahil nakita rin pala ako nito agad. Hindi ko akalain na nandito pala sila. Pumasok ako sa loob nang kawayan ako ni Jackie habang nakangiti. Isa ng nurse itong si Jackie, sa kabila ng kaduwagan niya at takot sa dugo noon eh hindi ko inaa

