*VALOROUS POV* Tinanggap ko ang bayabas na inaabot sakin ni Lucas habang nandito kami sa likod ng isang malaking puno at nagmamasid sa paligid. Nakuha raw nito ang bayas sa likod-likod. Matapos naming mapatay ang dalawang Dayta kanina ay wala pa ring lumalabas na iba pa. Mukhang wala yatang balak lumabas ang ilang Dayta ngayon o baka naman ay abala pa ang mga ito. "Wala yatang balak na lumabas ang ibang Dayta ah," pansin din ni Bruno habang pinapangal rin nito ang bayabas na binigay samin ni Lucas. "Halos dalawang oras na tayong naghihintay dito pero wala pa ring lumalabas," sabi ni Lucas. "Kaya nga eh. Bumalik na tayo sa mga kasama natin," sabi ni Bruno. "Teka lang manguha muna tayo ng bayabas," sabi ni Lucas kaya nagtungo kami sa lugar kung saan niya nakuha ang mga bayabas. Sa pal

