NAPALUNOK ako ng maraming beses habang pasulyap-sulyap ng tingin kay Chaos na tahimik na nagmamaneho patungong condo ko. I know I was wrong about what I said to him earlier, but I didn’t mean to. I swear. Masyado lang ako nagpadala sa emosyon ko. The car stopped at the parking lot of my condominium building. Pinatay na ni Chaos ang makina ng kotse kaya dahan-dahan akong naglipat ng tingin sa kanya. “Chaos...” I called his attention. Wala pa rin na kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha niya. Hindi ko tuloy malaman kung galit ba siya sa akin dahil sa sinabi ko kanina nang magtalo kami. Pero kung galit man nga siya, hindi ko siya masisisi. Namasa ang mga mata ko nang dumaan na ang isang minuto ay hindi niya pa rin ako iniimik. “I’m sorry... hindi ko naman sinasadya.” Mabilis

