AFTER we ate breakfast, nagpaalam ako kay Raileigh na aalis. May sariling lakad din si Raileigh kasama ang mommy niya kaya hindi na niya naisip na sumama sa akin. At sa pagkakaalam ko, pupunta sila ng mall. Habang nagmamaneho ay hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa naisip ko. Paniguradong pag-uwi ni Raileigh sa condo ay marami na naman pinamili 'yon, lalo na at next month ay aalis kami ng bansa para magbakasyon sa U.S. at nang madalaw namin sina Zoey at Serenity. It's a good thing na unti-unti nang gumagaling si Zoey. Nakikita ko sa kanya na talagang lumalaban siya sa sakit para sa anak namin, para kay Serenity. Nang maiparada ko na ang kotse sa parking area ay bumaba na agad ako at naglakad papasok ng Red Room. Nasa pintuan pa lang ako ay natatanaw ko na agad sina Curse at Castiel.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


