Chapter 12: History of Hate “Winston? Bakit ang aga mo ko sunduin? Magaling na ba yung sugat mo?” ani Vecka. Hinawakan niya ang mukha ni Winston at kumuha ng gamot. “Lagyan lang natin ng konting ointment, sabihin mo lang kung masakit ahh wag ka sumigaw,” dagdag ni Vecka. “Anong nangyari sayo kahapon?” mahinahon na tanong ni Winston. “Wala naman, ikaw? Ano bang nangyari sayo? Bakit badtrip ka? At saan mo ba nakuha ‘yan? Puro pasa ka tsaka sugat nakikipag away ka ba?” “Wala ‘to! wag mo nalang pansinin, Kaya lang uminit yung ulo ko kahapon kase hindi mo pinansin yung alok ko! nagugutom na kase ako ehh. Gusto mo kain muna tayo bago ka pumasok?” “Winston,(tumingin ito sa mukha ni Winston at hinaplos) sige na nga! ngayon lang to ahh, ngayon lang ako male-late sa trabaho!” “Oo! Ngayon lan

